06/06/2026
Story Time ulit tayo🤗
Since grade 7 na ang eldest son ko, mas malayo na ang school nya. Hindi na walking distance. Gusto ko sya matutong dumiskarte at malaman nya ano ba ang need nya sakyan pag sya na lang mag isa.
This morning, tinuruan ko sya bumyahe ng jeep. Sanay sya pasahero lang ng kotse. Nakapag jeep, tricycle at bus na din naman sya before pero laging kasama kami.
This time, it's different. Teenager na sya at need na nya matuto ng mga ganitong simpleng pag cocommute.
Baka sabihin ng iba jan ng OA ko naman. Ang simple simple lang nyang pagcocommute na yan, bakit need ko pa ipost o ishare.
Back story tayo:
Nung younger years ko (pre school hanggang high school) lagi akong naglalakad papasok sa school. Sobrang lapit lang kse ng bahay namin sa mga school na napapasukan ko. Kung nakasakay man ng sasakyan, hatid sundo ng daddy ko.
Tapos nung nagcollege ako, first week ko ng classes hatid sundo ako ng mommy ko. Kse takot na takot ako bumyahe mag isa. Take note, 3 rides kase ako from house to school ko noon and it will take 1 hour-1.5hr ang byahe ko. Tapos takot ako maligaw sa cubao nun (naligaw na talaga ako ). Takot ako magtanong tanong (trust issues to strangers). Ganun ako ng school days ko. Naenjoy ko lang ang pagtravel/commute nung nagtatrabaho na ako.
Back to my post... As a parent, ayoko maging dependent lang lagi ang kids ko samin. Dapat matuto sila sa mga simpleng bagay tulad nito. Kse pag laki nila, ang totoong laban ng buhay ay yung paano ka makakasurvive sa araw araw. Kaya kung yung mga simpleng bagay hindi mo pa alam gawin or wala kang alam, mahihirapan ka makasurvive. Hindi tayo lagi nasa tabi nila na in case madapa sila, hindi taga ayos o solve ng problema. Dapat matuto din sila dumiskarte ng sarili nila ng wala tayo.
Kayo mga mima, paano nyo tinururuan when it comes to schooling ang kids nyo? Like, paano makipag friends sa iba, commuting, etc...Share nyo sa comment section.
Momshie Kath