15/03/2025
๐ ๐ด๐ฎ ๐๐๐ฆ ๐ฆ๐๐ฝ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐๐ป๐ถ๐น๐ฎ, ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐๐ธ๐ผ ๐ ๐ผ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ผ ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐จ๐บ๐ฎ๐ป๐ผโ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ง๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ผ ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ
Nagpahayag ng matinding galit ang mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Maynila matapos lumabas ang isang ngayon ay buradong post na umanoโy mula sa isang page supporter ni dating Manila Mayor Isko Moreno. Ang naturang post ay naglalaman ng isang pahayag na sinasabing naglalahad ng personal na pananaw ni Moreno tungkol sa posibleng pag-aresto kay Duterte.
Mariing kinondena ng mga DDS supporters si Moreno, na anilaโy tinulungan ni Duterte sa pamamagitan ng mga itinalagang posisyon at opisyal na suporta, dahilan upang lumakas ang kanyang kredibilidad sa politika. Ayon pa sa isang dating opisyal ng Malacaรฑang, si Moreno ay laging kasama sa mga opisyal na biyahe ni Duterte sa ibang bansa, na tinawag siyang โconsistent junket trip joiner.โ
Binatikos din ng mga DDS supporters mula sa Maynila ang umanoโy pagiging "balimbing" ni Moreno, na anilaโy laging tinatalikuran at sinisiraan ang mga lider na kanyang sinasamahan. Binigyang-diin nila ang matinding pag-atake ni Moreno sa tugon ng administrasyong Duterte sa pandemya, lalo na noong inungkat ni Duterte ang isyu ng kanyang COVID-19 response sa Maynila. Ayon sa kanila, ginamit ni Moreno ang kanyang mga batikos upang magpakilala bilang isang kalaban sa pagkapangulo noong halalan ng 2022.
Sa kabila ng matinding reaksyon ng mga DDS supporters, wala pang opisyal na pahayag si Isko Moreno tungkol sa isyu.
Courtesy of: One Manila News