
02/10/2023
Noong nagstart palang kami sa journey namin at naghahanap ako ng mga diy activities na pwede kong magawa for Val kokonti palang yung nakikita ko and yung iba pa is medyo mahal yung materials na gagamitin, then one day i saw a post ng activity na ginawa nya using lang yung egg tray and colored popsicle sticks and sobrang interesting nya kaya ginaya ko and dun na ngstart yung idea ko na why not nga na gumawa ako ng mga diy activities na madali lng mahahanap yung materials and mura dahil alam ko na maraming tulad namin na limit lng talaga yung kayang bilihin na mga therapy toys.
Pero ngayon natutuwa ako dahil ang dami ko na talaga nakikitang nagsheshare ng kanikanilang diy activities for their little ones and are willing to share lahat ng kanilang mga soft copies. And ang dami kong naapproved sa post ng group na magaganda pero madadali lng gawin ng mga activities.
Thank you ausome parents for sharing. ♥️