11/04/2026
Minsan masakit na makita ang realidad kung paano pinipili ng ibang tao kung saan i spend ang kanilang Linggo.
Punong-puno ang mga beaches,mga ilog,at swimming pool bago pa man sumikat ang araw.—Excited, at handang bumiyahe ng malalayong lugar para lang masiyahan sa ilang oras na kasiyahan.
Ngunit pagdating sa simbahan, ang mga upuan ay nananatiling walang laman, ang mga pasilyo ay nananatiling tahimik, at maraming mga puso ang tila masyadong abala,wala nang panahon upang magbigay ng kahit isang oras sa Diyos.
Ang nakalulungkot na katotohanan ay, marami pa ring mga tao ang may oras para sa kasiyahan, oras para sa pamamasyal, oras para sa mga kaibigan, oras para sa lahat ng bagay na nagpapasaya sa physical na katawan—ngunit sinasabi nilang wala silang panahon para sa pagsamba. Laging busy sa mga ginagawa. Gumigising ng maaga para sa mga biyahe, maghanda ng mga pagkain mag-impake ng mga damit, at gumastos ng pera nang walang reklamo.
Ngunit para sa simbahan, biglang tayo ay sobrang pagod, masyadong inaantok, masyadong abala, o masyadong nadidistract.
HINDI ITO PARA HUSGAHAN ANG SINUMAN , ngunit upang ipaalala sa atin ang isang masakit na katotohanan:
madalas tayong naglalaan ng oras para sa tunay nating pinahahalagahan.
Kung mapupuno ng mundo ang mga beaches, malls, at resort tuwing Linggo, isipin nalang natin kung gaano kaganda ito kung pupunuin din natin ang bahay ng Diyos na may galak at pananabik.
Ang saya sa mga outing ay tumatagal lamang ng isang araw, ngunit ang buhay na kasama ang Diyos ay saya na walang hanggan.
Ang pinakamalungkot na bahagi ay hindi mga bakanteng upuan—kundi ang mga walang laman na puso ng mga tao na naghahanap ng kapayapaan sa mga lugar na maaari lamang mag-alok ng pansamantalang kaligayahan.
Isang araw ang mga travels at outing sa mga beaches, malls at mga swimming pool ay magiging alaala na lang,
ngunit ang bawat panalangin, bawat pagsamba, at bawat sandali na kasama natin ang Diyos ay hindi kailanman masasayang.
Masakit ang katotohanan: marami ang pinipili ang pansamantalang kagalakan, habang binabalewala ang walang hanggang kapayapaan.
Sometimes it’s painful to see the reality of how people choose where to spend their Sunday.
The beach becomes full before the sun even rises—people excited, prepared, and willing to travel far just to enjoy a few hours of pleasure.
But when it comes to church, the seats remain empty, the aisles stay silent, and many hearts seem too busy to give even one hour to God.
The sad truth is, many people still have time for fun, time for outings, time for friends, time for everything that makes the flesh happy—yet they say they have no time for worship.
We easily wake up early for trips, prepare clothes, pack food, and spend money without complaint.
But for church, suddenly we are too tired, too sleepy, too busy, or too distracted.
This is not to judge anyone, but to remind us of a painful reality:
we often make time for what we truly value.
If the world can fill beaches, malls, and resorts every Sunday, imagine how beautiful it would be if people filled the house of God with the same excitement.
A crowded beach lasts only for a day, but a life surrendered to God changes eternity.
The saddest part is not empty pews—
it is the empty hearts of people who are searching for peace in places that can only offer temporary happiness.
One day the beach trip will just become a memory,
but every prayer, every worship, and every moment spent with God will never be wasted.
Reality hurts: many run toward temporary joy, while ignoring eternal peace. 🙏