22/07/2025
A STORY na may aral.
PABIGAT NA SI MAMA‼️‼️
Hello po admin, Moral Story.
Ako si Carlo, taga-Caloocan."
Bata pa ako noon, siguro mga 7 years old lang ako, nung una kong nakita kung paano nila pinalayas si Lola.
Sabi ni Mama, "Pabigat na si Mama, puro gastos lang! Wala nang silbi!"
Si Lola, tahimik lang. Nakayuko, hawak ang maliit na bag na punong-puno ng damit at gamot.
Hindi ko makakalimutan yung iyak niya. Yung tingin niya sa amin, puno ng lungkot at sakit.
Pero wala kaming magawa. Maliit pa kami noon, di pa namin kayang ipaglaban si Lola.
Pinagpasa-pasa nila si Lola sa mga kapatid ni Mama. Pero lahat sila, parehong reklamo: "Wala na kaming pera, magastos si Mama, pabigat siya dito!" Hanggang sa nauwi si Lola sa kalsada.
Lumipas ang taon. Lumaki ako, pero hindi ko siya nakalimutan.
Kahit estudyante pa lang ako noon, sinubukan ko siyang hanapin. Araw-araw akong umiikot sa palengke, sa mga waiting shed, sa kalsada.
Hanggang isang araw, nakita ko siya. Nakahiga sa gilid ng kalsada, marumi, payat, at halos di na makalakad.
Yung Lola na dati kong kausap tuwing gabi, yung Lola na nagtuturo sa'kin magsulat, ngayon, halos di na makilala sarili niya.
Niyakap ko siya agad. Umiiyak ako, siya rin.
“Carlo… apo…” mahina niyang sabi habang nanginginig ang k**ay niya.
Inuwi ko siya. Pinagluto ko. Nilinisan. Pinatulog sa k**a ko mismo.
At mula noon, hindi na ako bumalik sa school. Nag-decide ako magtrabaho kahit anong klase — construction, kargador, delivery — para may panggastos kay Lola. Para hindi na siya paalisin ni Mama.
Masakit? Oo. Pero mas masakit kung pababayaan ko siya ulit.
Dahil sa huli, siya lang naman ang nagturo sa'kin ng totoong pagmamahal.
"Ang matatanda, hindi pabigat. Sila ang dahilan kung bakit tayo nandito. Hindi nila kailangan ng malaking bahay o maraming pera — kailangan lang nila ay pagmamahal at respeto."
➡️moral story