22/05/2025
THE 10 BEST DAYS OF THE YEAR
ANG UNANG SAMPUNG ARAW NG DHUL HIJJAH
✅ Tentative sa May 28 hanggang June 6, ang unang sampung araw ng Dhul Hijjah na pinakamainam na sampung araw sa pananampalatayang Islam, kung saan lahat ng gawaing pagsamba ay kaibig-ibig sa Allah.
✅ Mainam magparami ng adhkar o dhikr sa mga araw na ito.
✅ Mainam ang pag-aayuno o fasting sa unang 9 na araw na ito.
✅ Mainam mag-ayuno sa ARAW NG ARAFAH, sa ika 9 ng Dhul Hijjah, para sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj. Ito ay sunnah.
❌ Hindi marapat na mag-ayuno sa Araw ng Eidul Adha. Ito ay hindi sunnah.
🕌 Mainam mamigay ng sadaqah sa mga araw na ito.
✅ Mainam din magpakain sa mga mahihirap
✅ Mainam magparami ng Tahleel, pagbanggit ng LA ILAHA ILLA ALLAH, Tahmeed, pagbanggit ng ALHAMDULILLAH, at Takbeer, pagbanggit ng ALLAHU AKBAR sa mga araw na ito.
✅ Ang pangunahing dua o panalangin ng mahal na Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam sa araw na ito, at ng mga naunang mga Propeta ay ang:
LA ILAHA ILLA ALLAH, WAHDAHU LA SHARIKALA, LAHUL MULK LAHUL HAMD WA HUWA ALA KULLI SHAY-IN QADIR
✅ Napakainam magsagawa ng Hajj sa panahon na ito sapagkat ito ang panahon ng Hajj. At ang Hajj ay obligasyon sa Islam. Ito ang ika limang haligi ng ating pananampalataya.
🕋 Para sa mga nagsasagawa ng Hajj mainam ang pagdakila nila sa Allah sa pamamagitan ng pagbanggit ng Talbiya:
LABBAYK ALLAHUMMA LABBAYK
LABBAYKA LA SHARIKA LAKA LABBAYK
INNAL HAMDA WAN NI'MATA LAKA WAL MULK
LA SHARIKA LAK
✅ Napakainam mag-alay o magsumbali ng kambing, baka o kamelyo sa Araw ng Eidul Adha.
✅ Napakainam magdua, magparami ng mga panalangin sa mga araw na ito.
✅ Napakainam magbasa ng Qur-an.
✅ Napakainam magsagawa ng Tahajjud, o mga sunnat na salah, sa bahagi ng gabi o hating gabi.
✅ Marapat magsagawa ng 5 beses na salah.
❌ Huwag ipagpaliban ang 5 beses na mga salah araw araw at habang buhay.
✅ Sa mga nagsasagawa ng Hajj, marapat mong ipagdua o Ipanalangin ang lahat ng pangangailangan mo sa AKHIRAH at DUNYA.
🤲 Ipanalangin natin na makapasok tayo sa JANNAH o Paraiso ng Allah.
🤲 Ipanalangin natin na ilayo tayo ng Allah mula sa Kanyang kaparusahan sa JAHANNAM, Impiyerno.
🤲 Ipanalangin natin sa Allah na gabayan ng Allah ang ating mga anak, asawa at mga kapatid sa Islam.
❌ Huwag kalilimutang ipanalangin ang ating mga MAGULANG, na patawarin ng Allah ang kanilang mga kasalanan.
🤲 Ipanalangin sa Allah ang tagumpay sa Araw ng Paghuhukom.
🤲 Ipanalangin sa Allah na dumami pa ang ating mga biyaya sa ating mga hanap buhay at negosyo.
🤲 Ipanalangin sa Allah na maging matatag sa Islam at matatag sa pagsasalah.
🤲 Ipanalangin sa Allah na makapasok sa JANNATUL FIRDAWS
✅ Ipanalangin sa Allah na pag-ingatan ang mga kapatid na Muslimeen sa Palestine.
💕 Ipanalangin sa Allah na makapiling si Propeta Muhammad sa Kabilang Buhay.
🕌 Sinabi ng Sugo ng Allah:
ما من أيام العمل الصالح فيهن أحب الى الله من هذه الأيام
Walang mga araw, na ang mga gawaing pagsamba, ay kaibig ibig sa Allah, higit pa sa mga araw ng ito - ang unang sampung araw ng Dhul Hijjah.
✏️ Inihanda:
ABDUL QAHHAR DIMAPUNUNG
WORLD ISLAMIC SCEINCE UNIVERSITY
Kingdom of Jordan
👍 Follow my page