25/07/2025
ANO ANG PUWEDENG GAWIN KUNG ANG PAMILYA NG ASAWA MO AY PALAGING MAY PROBLEMANG PINANSYAL?
Hindi biro ang laging nahihila sa mga gastusin—lalo na kung hindi naman kayo sobra sa buhay. Kapag pamilya ng asawa mo ang laging may aberya sa pera, eto ang mga bagay na makakatulong:
⸻
💡 Unahin ang sariling pamilya.
Hindi selfish ‘yan. May sarili kayong tahanan at mga anak na dapat unahin. Tumulong kung kaya, pero laging isaisip ang pangangailangan ng sarili ninyong pamilya.
💬 Kausapin ang asawa.
May mga partner na madaling maawa at hindi na naiisip kung paano naaapektuhan ang budget o emosyon ng asawa’t anak. Kaya mahalagang mag-usap kayo, nang malinaw, para i-prioritize ang sariling pamilya.
🛑 Magbigay ayon sa kakayahan, hindi sa hiya o guilt.
Hindi mo kailangang i-explain ng todo, pero kapag kailangan, sabihin mo nang maayos kung bakit hindi puwedeng magbigay. Huwag hayaang ma-guilt trip o ma-obliga.
📊 Mag-set ng malinaw na family budget.
Kapag klaro ang monthly income, gastos, ipon, at emergency fund—mas madali para sa inyong mag-asawa na makita kung may “extra” pa ba para sa pagtulong.
🧠 Hindi lahat ng tulong ay pera.
Imbes na cash, subukang tumulong sa ibang paraan—mag-refer ng trabaho, magbigay ng food packs, o i-guide sa pag-budget. Minsan, ang kailangan lang nila ay direksyon, hindi donasyon.
💬 I-realtalk kung kinakailangan.
Kapag paulit-ulit na lang ang hingi at wala namang pagbabago, baka kailangan nang magsalita nang diretso pero mahinahon. Minsan kasi, nasasanay ang ibang tao kapag laging pinagbibigyan.
💰 Magtabi muna bago mag-abot.
Ipon muna para sa mga anak at kinabukasan. Tandaan: hindi mo mapoprotektahan ang iba kung sarili mong pamilya ay kapos din.
🎯 Magtakda ng hangganan.
Kung gusto ninyong tumulong, puwedeng mag-agree kayo ng asawa sa “limit.” Halimbawa: “Hanggang ₱X lang every 2 months kung may sobra.” Para may order at hindi laging pabigla-bigla.
🧘♀️ I-prioritize ang peace kaysa sa people-pleasing.
Hindi mo kailangang ipaliwanag ang bawat “hindi.” Basta alam mong tama at hindi ka nananakit, okay lang na hindi mo kayanin lahat.
⸻
💬 Kung ikaw ay nasa ganitong sitwasyon ngayon…
Remember: kayong mag-asawa ang team. Hindi mo obligasyon ang lahat ng problema ng buong angkan. Oo, puwedeng tumulong—basta hindi kayo nauubos.
Masama bang tumanggi? Hindi. Masama ang nauubusan at napapabayaan ang sariling pamilya.
“Charity begins at home.”
Hindi mo kailangang maging tagapagligtas ng lahat, lalo na kung ang kapalit ay kapayapaan at seguridad ng sarili mong pamilya.
©️ MISIS.PH