22/04/2025
Earth Day 🌍
Noong 20's ko, Earthday Jam ang isa sa mga OPM music event na napuntahan ko. Taunang selebrasyon ito para sa'ting Mother Earth.
Paano nga ba nagkaroon ng Earth Day?
Noong dekada '60, malala daw ang polusyon sa Amerika dahil sa mga pabrika. Dagdag pa ang oil spill sa California noong '69. Nakita ni Senator Ga***rd Nelson ang lumalalang kalagayan ng kalikasan. Kaya naisip niya ang ideya na turuan ang bansa tungkol sa pag protekta sa kapaligiran. Kinuha niya si Denis Hayes para manguna sa mga pagtuturo sa mga unibersidad. Napili nila ang April 22, 1970, sa gitna ng spring break at exams, para mas maraming estudyante ang makiisa.
Sa unang Earth Day, 20 milyong Amerikano ang lumabas sa kalsada, parke, at eskwelahan. Mga estudyante, g**o, aktibista, at ordinaryong mamamayan ay nagkaisa para iparating ang mensahe ng pangangalaga sa mundo. Dahil dito, nabuo ang mga batas para protektahan ang kalikasan.
Pero habang umuunlad ang teknolohiya natin at pagiging uhaw sa mga estetik s**ts, nawalan nadin ng saysay ang mga batas na 'yon. Kung saan may nakalagay na 'Bawal magtapon ng basura' doon tambak ang basura. Sa pagpanaw din ni DENR Secretary na si Gina Lopez noong 2019, mas malaya na ulit ang ilegal na pagmimina. Isama mo pa ang walang katapusang pang-aabuso sa hayop, at pagdami ng mga condominium.
Sa totoo lang, makapangyarihan tayong mga tao, kayang-kaya ang paghilom ng mundo kung hindi lang pinapairal ng nakararami ang kanilang katamaran at kamangmangan. Kung patuloy ang kabobohan, wala ng aabutang malinis na mundo ang susunod na henerasyon.
Ngayong Earth Day 2025, pagnilayan kung ano ang simpleng pwedeng gawin para maghilom si Inang Kalikasan. 🌱💚