30/07/2025
Bawal daw pagala gala 🙂
Public Service Announcement 📣
Mga ka-barangay! Mahigpit na pong ipinatutupad ang curfew para sa mga menor de edad (17 years old and below)mula 10:00 PM hanggang 4:00 AM. 🚫🕙
Bawal tumambay o gumala sa mga pampublikong lugar sa lungsod o barangay sa mga nabanggit na oras. 🔞🙅🏻
Narito po ang mga 𝐊𝐀𝐔𝐊𝐔𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐔𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐎 𝐆𝐔𝐀𝐑𝐃𝐈𝐀𝐍 ng mga menor de edad na lalabag sa itinakdang ordinansa:
𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚𝐠 – Ang menor de edad na unang beses na lumabag sa ordinansa ay agad na itu-turn over sa pinakamalapit na Barangay Hall o Police Station. Magsasagawa naman ang Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) ng counselling sa bata.
Pagtapos ay ipapatawag ang magulang o guardian upang sunduin ang bata. Bago ang turn over, ang magulang o guardian ay papatawan ng administratibong parusang COMMUNITY SERVICE na hindi bababa sa APATNAPU’T WALONG ORAS (48 hours) o MULTANG DALAWANG LIBONG PISO (₱2,000.00).
𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚𝐠 – Ang mahuhuling menor de edad, kasama ang kanyang magulang o guardian, ay kinakailangang DUMALO SA DALAWANG (2) SUNOD na regular session on counselling ng BCPC. Magbibigay naman ang Tagapangulo ng BCPC ng sertipikasyon kung natugunan o hindi natugunan ng menor de edad at ng kanyang magulang o guardian ang kinakailangang counselling.
Dagdag pa rito, kinakailangang mag-sumite ng lumabag na menor de edad at/o ng kanyang magulang o guardian ng nasabing sertipikasyon sa Punong Barangay at nag-aresto o dumampot na opisyal sa loob ng hindi lalampas sa dalawang buwan (2 months) mula sa petsa ng paglabag. Ipapataw rin sa magulang o guardian ang administratibong parusang PITUMPU’T DALAWANG ORAS (72 hours) COMMUNITY SERVICE o MULTANG TATLONG LIBONG PISO (₱3,000.00).
𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐤𝐚𝐭𝐥𝐨 𝐚𝐭 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐏𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚𝐠 – Kapag ang isang menor de edad ay lumabag muli sa ordinansang ito sa ikatlong pagkakataon o higit pa, pagkatapos ng mga naunang interbensyon, siya ay dadalhin na sa ating City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa mas angkop na counselling at kaukulang aksyon ukol sa kaso.
Ito po ay alinsunod sa City Ordinance No. 2003-148 at Ordinance No. 49-2000. Para sa kaligtasan at disiplina ng kabataan at ng lahat — sumunod po tayo 👮♂️👧👦