13/12/2025
MUTYA NG ANTIPOLO NEWS: HIGHLIGHTS OF THE MUTYA NG ANTIPOLO 2025 PRE-PAGEANT: CREATIVE COSTUME (HINULUGANG TAKTAK) ✨👑 SM Center Antipolo Downtown
Mas pinatingkad pa ang kagandahan at malikhaing diwa ng Mutya ng Antipolo 2025 Pre-Pageant na ginanap sa SM Center Antipolo Downtown, tignan ang mas marami pang mga larawan dito sa event highlights kasama ang iba’t ibang kandidata.
Makikita sa kanilang pagrampa ang makukulay, detalyado, at makabuluhang creative costumes na hango sa temang “Hinulugang Taktak”, isang simbolo ng kasaysayan, kultura, at likas na yaman ng Antipolo. Bawat kandidata ay buong husay at kumpiyansang ipinakita ang kanilang kagandahan, talento, at dedikasyon sa entablado.
Maraming salamat sa lahat ng sumuporta—mula sa pamilya, kaibigan, at mga tagahanga—na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa ating mga kandidata. Abangan pa ang iba pang kaganapan ng Mutya ng Antipolo 2025! 💖✨