29/07/2025
Isa lang ang tanong naming mga tunay na taga Battle Royale sa Call of Duty Mobile Garena:
Kailan nyo kami kikilalanin? Kailan nyo kami bibigyan ng sapat na respeto at suporta?
Matagal na naming nararamdaman ito na parang side game lang ang BR mode para sa inyo. Sa totoo lang, hindi na rin kami nagtataka. Sa dami ng top up promos, bundle sales, at seasonal skins, halatang pera-pera na lang ang priority. Pero paano naman kami, mga loyal na player na araw-araw nasa BR, naggrind, nakikipagbakbakan, nagtutulungan at nagtatayo ng sarili naming community? Wala ba kaming halaga?
Walang tournament. Walang events. Walang exposure.
Habang yung Multiplayer (MP) scene, sunod-sunod ang esports events, may qualifiers, may regionals, may grand finals kami sa BR, tila nakakalimutan.
👉 Hindi nagpapatournament ang Garena para sa BR.
Kahit grassroots lang sana, kahit community-based competitions, wala man lang effort.
Gaano pa ba karaming players ang kailangan mag ingay para lang marinig?
👉 Walang pakialam sa BR Community.
May sarili kaming scene. May sariling kultura. Pero wala kaming boses sa inyo. Hindi niyo kami kinakausap. Hindi niyo kami pinakikinggan. Hindi niyo kami sinusuportahan.
Puro MP. Puro meta changes para sa kanila. Puro content para sa kanila.
👉 Side Game lang daw ang Battle Royale.
Kung hindi dahil sa passion ng mga players at content creators, matagal na sanang wala ang BR. Pero kahit papaano, tayo-tayo na lang ang bumubuhay sa mode na ‘to. Pero hanggang kailan kami aasa sa sariling sikap?
👉 Puro Top-up. Wala nang iba.
Pasensya na, Garena, pero nakakapagod na. Every update, laging inuna ang mga bundles, crate, lucky draws, kung saan-saan nyo pa nilalagay ang paywall. Pero ‘yung content? Yung tunay na fun? Yung competitive scene? Yung suporta sa mga masisipag na player at clan leaders? WALA.
Lahat ng galaw nyo, may presyo. Pero ang respeto sa community priceless, at wala kayo nun.
Pero kahit ganyan, hindi kami titigil.
Ang BR community ay buhay na buhay.
May mga tournaments kami kahit kami-kami lang. May mga scrims, may mga page, may mga influencers na gumagawa ng paraan para mapanatiling active ang Battle Royale scene.
Hindi kami umaasa, pero umaasa pa rin na sana balang araw, makita nyo rin ang halaga namin.
Kasi hindi kami basura.
Hindi kami side game.
Hindi kami pang-konsumo lang.
Kami ang BR Community naglalaro dahil sa passion, hindi lang dahil sa skin o battle pass.
Kaya sa mga kapwa kong BR Warriors diyan, patuloy tayong manindigan. Mag-ingay. Suportahan ang isa’t isa.
Dahil kung hindi tayo kikilos, lalong babaliwalain ang pinaghirapan nating scene.
📌 Garena, this is a wake up call.
Buksan niyo mata nyo. Makinig kayo.
We don’t just top-up, we show up. At deserve naming maramdaman ‘yon.