05/04/2025
Katotohanan
TAKE TIME TO READ!
Paalala pong Muli mga Mahal ko sa Buhay,Tita, Tito, Kapatid, Pinsan, Pamangkin, kaibigan, at Sa Buong Sangkatauhan.
Ito ang Nais ng Dios sa Atin, na Tayo ay Mangagbalik Loob
At Maglingkod sa Kanya.
Ezekiel 14:6
Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios,
( Mangagbalik-loob kayo,) at kayo'y magsitalikod sa inyong mga diosdiosan; at ihiwalay ninyo ang inyong mga mukha sa lahat ninyong kasuklamsuklam.
The Acts 3:19
( Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, )
upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon;
Ito ang Nais ng Panginoon sa atin na tayo ay
( MANGAGBALIK LOOB )
Kaya Natin Naranasan ang Ganitong bagay,
Dahil Ang Mga Tao ,ay Wala ng Panahon na Maglingkod sa kanya,dahil Puro Trabaho na Lang.kalayawan at Sariling kapakinabangan ang mga naiisip..
Tandaan ang Lahat ng bagay sa Mundong Ito.
Maging Ang Ating Buhay ay magwawakas..
At wala Tayong maisasama sa kabilang Buhay, kundi ang ating espiritu.
Hanapin at Pahalagahan ang Kaligtasan ng iyong kaluluwa.
Gaya ng Paalala ng Mayaman na namatay..
Basahin mo..
PUNONG PUNO ITO NG ARAL💞💞💞💞💞💞💞💞💞🙏🙏🙏
Isang Bilyonaryo ang humiling na kung siya ay mamatay ay iburol sya Sa kabaong na may dalawang butas ang magkabilang gilid upang mailawit doon ang kanyang mga kamay Marami ang nagtanung sa kanya kung bakit subalit Simple lamang ang kanyang sagot….Sabi niya…
“Ito ang nais ko, ibukas ang aking palad na nakalawit sa aking pag-Himlay upang mapagmasdan at matanto ng lahat na sa kabila ng aking kayamanan, sa oras ng
aking kamatayan, wala akong nadala.”
Ito ang katotohanan ng buhay :
Kahit nasa iyo na ang milya milyang lupain, sa sandali ng iyong kamatayan…..anim na M lamang ay sapat na…
Napakaraming hindi kayang bilhin ng pera…
* Mabibili nga ng pera ang maraming aklat pero hindi ang matinong pag-iisip….
* Mabibili nga ng pera ang malaking pagamutan pero hindi ang magandang kalusugan….
* Mabibili nga ng pera ang maganda at malambot na higaan pero hindi ang masarap na pagtulog….
* Mabibili nga ng pera ang masasarap na pagkain subalit
hindi ang masarap na panlasa…
* Mabibili nga ng pera ang malalaking Imahen ng Krus pero hindi ang kaligtasan….
* Mabibili nga ng pera kahit na ang katawan ng tao pero hindi ang kaluluwa…😭
Napakaraming hindi kayang bilhin ng salapi at ng kayamanan, sa sandali ng kamatayan, ang pera man o kayamanan ay hindi madadala ng tao sa kabilang buhay….
Sabi nga sa isang awit pang Simbahan….:
“Anong mapapala ng tao sa lupa?
Di tulad sa Langit kapiling ang lumikha….hanapain natin
ang buhay na mapayapa....
Walang iba kundi ang maging alagad ng Panginoon Jesus .
Kung nabasa mo ito. Ishare mo para sa buong Sanglibutan, at magkaroon sila ng awareness, na mas higit mapahalagahan ang buhay na kaligtasan, mas mahalaga ang Maglingkod sa Panginoon.
Kesa sa lahat ng bagay dito sa lupa.
Colosas 3:2
👉Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.👈
Marcos 16:15-16
[15] At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.
[16] Ang SUMASAMPALATAYA at MABAUTISMUHAN ay MALILIGTAS; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.