22/02/2026
DAHIL SA DRUM STICK NAGING KAMPEON NA BATA
The Little Drummer with a big heart 🥁
Story-time:
“binigay ko yung drum stick ko kay Paolo na may Jam block para ma save our music.
Sa kalagitnaan ng performance niya, napansin kong isang drumstick na lang ang hawak niya.
Kami ay nalungkot sapagkat wala ni isang nalaglagan ng drumstick or baton habang sila ay nagpeperform. Siya lang.
Hindi man siya umiyak o nataranta ay pinag patuloy niya pa rin hanggang matapos.
Nong tinanong namin siya bilang magulang. “Kyffer bakit isa na lang stick mo, nahulog ba?”
Ito po ang sagot niya, “hindi po nahulog, napansin ko ang kasama ko na si Paolo isa na lang ang drum stick kaya binigay ko sa kaniya ang drum stick ko para e pag patuloy niya ang Jam Block kasi importante ang jam block sa music namin.”
Hindi niya inisip na mapahiya or sabihan na siya lang ang nalaglagan ng stick, ang kanyang intensyon ay iligtas ang music. Isang kahanga-hangang inisyatiba mula sa isang Grade 4 student.
Si Kyffer Miguel Pineda ay 9 years old student ng Tibiao Central School, Tibiao, Antique.
Ang kaganapan ay noong February 20, 202 Maninihon Festival Drum & Lyre Competition sa Tibiao, Antique
Indeed, true champions are made, not born. The Little Drummer with a big heart 🤍
Sa huli ay sila ang naging Champion. After 10 years ay naibalik sa kanila ang titulo na pagiging champion at masaya kami bilang magulang niya na nakaambag siya kahit sa maliit na bagay upang sila ay manalo. Kami at napahanga niya dahil sa bilis ng kanyang isip at pagiging matulungin. Keep it up, anak. Sana ay maging ehemplo ka sa iyong kapwa mga estudyante na maging mapagmasud at matulungin sa lahat ng oras na hindi iniisip kung ano man ang isipin ng iba.
🎥Flord Nicson J. Calawag https://www.facebook.com/share/v/1DPARm8UeB/?mibextid=wwXIfr
🇵🇭