13/09/2025
Marami ang nagsasabi ng "Buti ka pa mommy functional na anak mo"
Hindi nyo po alam, Mga winning moment lang ni Calix ang pinopost ko
Pero sa likod ng mga Big wins na yan ay may nanay na sobrang pagod, sobrang puyat, nagkakasakit at madalas nadi drain ang utak๐ฅน
Na belong po sa special child ang anak ko, meaning special attention kailangan nya, special na Oras at special na pag aalaga,
saan ko naman huhugutin yun?,
syempre sa Special Love nating mga ina
Mula baby na sobrang iyakin, madalas na pagtatantrums ng walang dahilan, pagtatantrums pag di nasunod ang gusto at Ikaw na nanay ay nangangapa pa kung ano ang dapat na gagawin mo.
Tapos may marinig kapa na mga masasakit na salita sa mga taong Wala din ambag sa buhay mo
Kung pwede lang talaga ipasa sa iba ang obligasyon ko ay ginawa ko na pero Ako nga mismo na nanay ay hirap na hirap,paano pa kaya pag ipasa ko sa ibang tao?
Kaya itong pag sakripisyo ko ng mga pangarap ko, Ang pag give up Lalo sa trabaho at maging literal na "Housewife" para lang maibuhos ang Oras ko para lang maging functional Ang anak ko ay katulad ng Isang pag abot ko ng isang matagumpay na pangarap.
Nasa tao ang gawa at nasa Diyos Ang awa
God is good all the time and All the time God is good ๐๐ฅฐ