19/08/2026
15 years old lang si Patrick. Grade 10 student siya ng Ateneo de Zamboanga Junior High School. Pero sa murang edad niya, grabe na pala ang achievements ng batang ito.
Noong 2024, naging Gold Awardee siya sa International Mathematics Olympiad of Southeast Asia. Mahilig siya sa numbers. Mahilig din siya sa music at mahusay siyang tumugtog ng piano.
Ayon sa mga nakakakilala sa kanya, mabait, friendly at magalang na bata si Patrick. Kaya ang sakit isipin na maaga syang namaalam.
Sa edad nya ngayun dapat ang iniisip niya ay exams, piano lessons, mga kaibigan niya… at kung ano ang gusto niyang maging paglaki niya… Hindi dapat ganito natapos ang kuwento niya.
Kaya please, kung makita ninyo yung disturbing videos tungkol sa nangyari, huwag na nating i-share. Kundi, alalahanin natin siya bilang isang gold medalist. Isang pianist. Isang batang napakatalino at punong-puno ng pangarap.
Sa pamilya ni Patrick, taos-puso po ang aming pakikiramay.
Rest in peace, Patrick Dylan Wee.