18/05/2025
Itinuro ng Panginoon na GANAPIN ANG LAHAT ng mga bagay NA KANYANG INIUTOS, ISASAGAWA NA HUWAG DADAGDAGAN, NI BABAWASAN
Maghandog palagi ng hain ng PAGPUPURI sa Dios,
Ang PAGGAWA NG MABUTI at ang PAGABULOY ay sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod,
Malagay nawa sa kanilang bibig ang PINAKAMATAAS NA PAGPURI sa Dios,
Malagay nawa sa kanilang kamay ang tabak na siyang Salita ng Dios na ISINASAGAWA ang mga GAWANG MABUTI,
Isang mabuting bagay ang MAGPASALAMAT sa Panginoon,
At UMAWIT ng mga PAGPURI sa KANYANG PANGALAN
MATEO 28:20 ๐
๐Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon.
DEUTERONOMIO 12:32 ๐
๐Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong isasagawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan.
HEBREO 13:15 ๐
๐Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, samakatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.
HEBREO 13:16 ๐
๐Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.
AWIT 149:6 ๐
๐Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios, At tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;
HEBREO 4:12 ๐
๐Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa atespiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.
EFESO 6:17 ๐
๐At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:
AWIT 92:1 ๐
๐Isang mabuting bagay ang magpasalamat sa Panginoon, At umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan: