15/07/2025
Gusto mong lumipat ng ibang trabaho sa cruise ship?
✅ Pwede kang mag-apply ng ibang job position on board:
After 1 contract kung ikaw ay new hire,
O after 6 months sa iyong current position.
📌 Narito ang mga steps o proseso sa pag-apply ng internal position (based sa Internal Job Posting Application form):
1. Dapat may above average performance rating ka sa iyong huling assignment.
2. Ipaalam sa iyong supervisor na interesado kang mag-apply ng bagong position.
3. Basahin at intindihin ang Job Description ng position na gusto mong applyan.
4. Siguraduhin na qualified ka base sa experience o skills mo.
5. I-check kung may iba ka pang pending application sa Career Pipeline.
6. Tandaan: Hindi automatic ang promotion — kailangan mo pa ring dumaan sa tamang proseso.
7. Maghintay ng available na slot at confirmation mula sa scheduler kung pwede ka nang i-release.
8. Panatilihin ang good performance habang nasa pipeline ka — kung bumaba ito o may disciplinary action, maaaring ma-remove ka sa listahan.
💡 Tip: Habang maaga, i-perform mo nang maayos ang trabaho mo, makipag-communicate sa supervisor mo, at alamin ang mga qualifications ng next position na gusto mo!
➡️ Follow for more cruise ship tips & career guides! 🌊🚢