28/02/2022
TINGNAN: Isang unit ng PTV o Patient Transport Vehicle Ambulance ang itinurn-over sa Pamahalaang Bayan ng Araceli ngayong araw, February 28, 2022.
Nagmula sa PCSO ang nasabing ambulansya mula sa 55 unit nito dalawa (2) ang napunta sa Palawan at isa sa mga benepisyaryo nito ang Bayan ng Araceli.
"Natatandaan ko noong minsan ay nag attend ako ng turnover ng meds mula sa PCSO at umattend si PCSO Gen. Manager Royina Garma, doon po nabanggit nya na may programa sila para sa PTV (Patient Transport Vehicle)." Ani ni Mayor Sue Cudilla.
Ayon pa sa Alkalde ay nagkataon na may katabi siyang staff ng PCSO, agad umano niyang kinausap ito sa pamamagitan ng pagsulat sa tissue ng pagpapakita niya ng interest sa pag-avail ng programa at nakasulat umano sa tissue, "Maam, please include LGU Araceli in your list for PTV. I am very much interested to avail on the said prog (program)".
"Importante po ito, kasi hindi na kailangan magrenta ng private van ang mga pasyente sa main land papunta sa pinakamalapit na ospital. halos 4k per rent kasi yung private vans na nagiging 5k pa kapag gabi ang takbo. ngayong may sariling PTV na tayo, kahit hindi siya (mismong) ambulansya, makakapagtransfer na tayo ng pasyente any time" Ayon naman kay Dra. Ria Tan.
Kasama ni Mayor Cudilla na umattend sina Dra. Ria Tan, DTTB, at Elmer Rabang na magsisilbing driver. Nandoon din sina PCSO Branch Manager Victoria Colesao, Ginoong Ariel Sayang at iba pang mga PCSO Staff.
Dumating ito noong sabado, February 26, 2022, sa ngayon ay dadalhin na at ilalagay ito sa Sta. Teresita, Dumaran upang magamit sa pagtransport ng mga kababayang pasyente papunta sa mas malapit na hospital.
Photo Courtesy: Municipyo y Ang Araceli/PCSO Palawan Branch FB