30/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ข๐ค๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐๐ฅ๐ข
ni: Haidhen Mendoza
May mga gabing kapag pinipikit ko ang mga mata, tila may lihim na pintuang bumubukas sa pagitan ng ngayon at kahapong lumipas na. Sa likod nito, humahalik ang amoy ng lumang papel sa aking gunita, kasabay ng yabag ng mga paa sa lansangang minsang tinahak ng mga pangalang ngayoโy nakaukit na lamang sa ating alaala. Sa bawat hakbang ko sa madilim na pasilyo ng kasaysayan, may mga tinig na umiindayog sa katahimikanโmga tinig na minsang sumigaw para sa kalayaan, at mga tinig na nag-iwan ng pag-asa sa ating bayan. At sa dulo ng pasilyo, may isang orasan na patuloy na tumitigil sa isang sandali, wariโy ayaw tanggapin na ang ilang kabanata ng bayan ay dapat nang lumisan sa sarili nitong salinlahi.
Sa pagsapit ng ๐ข๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ, muling bumubukas ang pahina ng paggunita para sa ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข, isang araw na inilaan upang parangalan ang mga Pilipinong nag-alay ng buhay, tapang, talino, at paglilingkod para sa bayan. Sa araw na ito, waring muling tumitibok ang mga pahinang pinatuyo ng panahon; at sa bawat kuwentong kanilang iniwan, may bakas ng tapang na hindi dapat kalimutan. Sapagkat mayroong sariling tibok ang ating kasaysayanโkapag nakalimutan ng bayan ang pinagmulan, unti-unting nawawala ang himig ng kinabukasan.
Sa ilalim ng mahabang gabi ng kolonyalismo, may mga Pilipinong piniling gawing tinta ang tapang at gawing sandata ang salita. Sa panulat nina ๐๐จ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ, ๐๐๐ซ๐๐๐ฅ๐จ ๐. ๐๐๐ฅ ๐๐ข๐ฅ๐๐ซ, ๐๐ญ ๐๐ซ๐๐๐ข๐๐ง๐จ ๐๐จ๐ฉ๐๐ณ ๐๐๐๐ง๐, umusbong ang kilusang Propaganda na naghangad ng mga reporma at nagmulat sa kamalayang Pilipino; samantala, sa pagbuo ng ๐๐๐ญ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐๐ง sa pangunguna ni ๐๐ง๐๐ซ๐ฬ๐ฌ ๐๐จ๐ง๐ข๐๐๐๐ข๐จ, ang mithiin para sa pagbabago ay lumalim tungo sa pakikipaglaban para sa kalayaan. Mula roon, ang himagsikan ay naging apoy na kumalat sa kapuluan, at ang bawat Pilipinong nakilahok ay naging taludtod sa isang tulang isinulat gamit ang tapang at sakripisyo. Sa paglipas ng mga taon, may mga panahong muling sinubok ang tibay ng bayan, subalit sa bawat unos ay may mga pusong patuloy na lumaban, at patuloy na umasa sa bukang-liwayway ng kalayaan.
Marahil, iyon ang lihim na nais ipakita ng lumang orasan sa dulo ng pasilyo ng kasaysayan: Ang panahon ay maaaring umusad, ngunit ang aral ng kabayanihan ay hindi dapat manatili sa nakaraan. At marahil, iyon ang dahilan kung bakit kailangang balikan ang nakaraanโupang hindi maligaw sa landas ng kinabukasan. Sapagkat bawat salinlahiโy may sariling tanikalang kailangang kalagin sa pakikibaka, at sariling liwanag na kailangang ipasa sa susunod na bukang-liwayway ng pag-asa.
At kung muling bubukas ang lihim na pintuan sa pagitan ng ngayon at kahapong lumipas na, nawaโy matagpuan natin ang mga bayani sa ating mga gunita. Mga pangalang matagal nang lumisan, ngunit iniwan ang tapang na dapat ipamana sa bawat salinlahi ng bayan. Sa bawat pag-ikot ng panahon, nawaโy muling sumibol ang kanilang diwa sa ating pagkilos at gawa sa panahon ngayon. Sapagkat ang bawat sandali ay lumilipas at naikukubli, ngunit ang aral na ating tangan ay maaaring manatiling tanglaw sa siklo ng sandaang sandali.
Inianyo ni: Kaezzyl Gonzales