10/01/2026
Saw this draft and thought Iโd share it before I delete it from my notes.๐๏ธ
MAHAL KA NIYA, PERO HINDI SAPAT ANG PAGMAMAHAL LANG.
May panahon sa buhay ko na naniwala akong sapat na ang pagmamahal.
Na basta mahal nโyo ang isaโt isa, aayon din ang lahat.
Nakaka-comfort paniwalaan.
Pero habang tumatagal, unti-unti mong mararamdaman na may kulang, kahit hindi mo agad masabi kung ano.
Kasi sa totoong buhay,
kapag walang pera, palaging may kaba.
Kapag walang direksyon, palaging pagod.
Kapag walang malinaw na plano, parang laging may hinihintay na hindi dumarating.
Mahal ka niya, ramdam mo โyon.
Pero kapag dumating ang bills, ikaw pa rin ang mag-iisip kung paano.
Kapag may emergency, ikaw pa rin ang magpapatatag ng loob.
At kapag pareho na kayong pagod, doon mo mararamdaman na hindi sapat ang pagmamahal lang.
Naranasan ko rin โto.
Yung pilit mong sinasabi sa sarili mo na โokay lang,โ
kahit alam mong hindi na.
Hindi dahil kulang ang love,
kundi dahil kulang ang suporta.
Doon nagsisimula yung katahimikan.
Ayaw mo na ng away.
Hindi na rin kayo nag-uusap nang malalim.
Yung pagod na walang luha,
yung bigat na hindi mo maipaliwanag.
Masakit aminin, lalo na bilang babae,
pero kailangan:
Mahal ka niya, pero hindi ka niya kayang saluhin sa lahat ng laban.
Hindi ka niya kayang iligtas kung pareho kayong nalulunod.
Hindi ka niya kayang buhatin kung pareho kayong ubos.
Walang may kasalanan.
Hindi ikaw. Hindi siya.
May mga bagay lang talagang kailangang ayusin muna.
Kaya ngayon, mas pinipili kong unahin ang sarili ko.
Hindi dahil ayoko ng magmahal,
kundi dahil natutunan kong mahalin din ang sarili ko.
Kasi mas magaan magmahal
kapag hindi mo na hinihiling na may sasagip saโyo.
Mahalaga ang love, oo.
Pero hindi siya sapat para buuin ang buhay.
Ako pa rin ang bubuo ng sarili kong mundo,
para sa susunod na magmahal ako,
hindi na ko mapapagod na mag-explain,
Kase alam na niya kung anong direksyon ang gusto kong tunguhin.