21/08/2026
๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ: ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ข-๐๐๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ญ๐๐ง
Sa bawat pahina ng ating kasaysayan, mayroong taong nag-iiwan ng mga aral na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa bawat isa. Sa pag-alala natin sa ๐จ๐๐๐ ๐๐ ๐ต๐๐๐๐, binibigyan natin ng halaga ang kanyang tapang at pagmamahal sa bayan.
Ang ๐ต๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐ ay isang araw para alalahanin ang buhay at sakripisyo niya sa bansang Pilipinas. Si Benigno Aquino Jr., o mas kilala bilang โNinoy Aquino,โ ay isang Pilipinong senador at oposisyon na lumaban sa diktadura. Ang kanyang pagkamatay ang siyang nagpasilab sa EDSA People Power Revolution na nagbalik ng demokrasya sa Pilipinas.
Ang araw na ito ay iginugunita sa buong Pilipinas upang magsilbing pagpapahalaga sa inambag ni Ninoy Aquino. Ipinagdiriwang ang Ninoy Aquino Day tuwing ๐๐๐-21 ๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐ upang alalahanin ang kanyang katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan. Ito ay inaalala sa pamamagitan ng mga programa, seremonya, at marami pang mga gawain upang mabigyan ng dangal ang kanyang pangalan at mga nagawa sa bansang Pilipinas.
Sa pag-alala sa nakaraan, tayo ay labis na natututo na pahalagahan ang kalayaan at atin itong paninindigan para sa bayan.
๐ป Ahmiel Venett M. Dawat
โ๏ธ Algwyn Hanin V. Miana