25/11/2025
๐๐๐๐, ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ ๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐-๐ ๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐๐๐ญ๐๐๐ง
๐๐๐จ๐ฏ๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ฏ๐๐ง, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐
Pinalakas ng Department of Information Communications and Technology (DICT) Region XI ang e-governance sa pamamagitan ng eGovPH Caravan sa Asuncion National High School upang mabigyan ng kaalaman at kasanayan ang mga estudyante sa tamang paggamit ng digital government services, Nobyembre 24, 2025.
Layunin ng adhikaing ito na maibahagi at maipaalam sa kabataan ang kahalagahan ng eGovPH App, isang makabagong plataporma na nagtitipon ng ibaโt ibang serbisyo ng gobyerno upang gawing mas mabilis, madali, at accessible ang mga transaksiyon para sa mga mamamayan.
"Ang eGovPH ay ginawa upang pagsama-samahin ang ibaโt ibang serbisyo ng government sa iisang app. Mas mabilis, mas maginhawa, at mas ligtas ang mga transaksiyon dahil protektado ang impormasyon ng users at maaari nang ma-access ang mga serbisyo tulad ng PhilHealth, SSS, LTO, at PSA gamit lamang ang kanilang cellphone," paliwanag ni Kyle Ligad, DICT Project Development Officer II.
Sa nasabing caravan, nagkaroon ng live demonstration kung paano i-download at gamitin ang eGovPH App kung saan itinuro ng DICT ang paggawa ng account na aktibong nilahukan ng mga estudyante.
"It was good na may app pala ang government where we can connect with them easily. Aside from having easy access to your information, it is a great help to the people in submitting their feedback or reports," pahayag ni Miaca, isang Grade 10 student.
"You can also rest assured na safe talaga ang information mo since it is an app made by the DICT itself. Masisiguro mong lahat ng impormasyon doon ay tama at tiyak," dagdag pa niya.
Bago nagsimula ang programa, hinikayat ni Rhoda Rosete, punongguro, ang mga estudyante na buksan ang kanilang isipan at makinig nang mabuti upang mas maunawaan ang tamang paggamit ng online platforms at digital services.
"Ang layunin natin ngayon ay matutunan ninyo kung paano gamitin nang tama ang eGovPH app at maging responsable sa digital world, lalo na at ginagamit ninyo ang ibaโt ibang platforms upang makipag-ugnayan sa isaโt isa," ani Rosete.
๐: Samantha Marie Claveria
๐ธ: Lance Christopher Imbang