01/09/2025
“Kapag kulay-abo ang langit, sa pag-asa kakapit.”
Saan ba sila nagsimula? Sa simpleng tanong na, “Paano ba ito? Anong gagawin natin?”
At sama-sama silang humakbang, nilandas ang linya ng pagka-Pilipino. Ito ay hindi lamang tungkulin kundi pagmamahal sa tunay na tatak ng ating lahi. Ang Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMFIL) ay naging bigkis ng pagsusulong upang mabuo ang tula ng tagumpay, ang awit ng pagsisikap, at ang liriko ng sama-samang pag-unlad katuwang ang ating mahal na paaralan, Quezonian Educational College Inc.
At ngayon, napunit na ang tabing at naganap ang pinaka-mainam na ubod ng kaligayahan — sila, mga opisyal ng KAMFIL, ay nagtapos na. Nawa’y maging liwanag sila na tatanglaw sa iba upang ang KAMFIL ay magpatuloy pa.
Pasasalamat sa mga alaalang nabuo sa lilim ng KAMFIL — ang pagkakaisa, pagmamahal sa adbokasiya, at pagkakaroon ng iisang puso ay patuloy na magpapatibay sa KAMFIL noon, ngayon, at sa darating pang mga henerasyon.
Ang bawat isa sa inyo ay salamin ng sipag at inspirasyon. Hangad ng ating kapisanan, na sa bawat landas na inyong pipiliing tahakin ay tagumpay ang inyong marating.
Muli, isang maalab na pagbati sa inyong pagtatapos!