Atimonan Secret Files-DJ’Papa’Tay

Atimonan Secret Files-DJ’Papa’Tay Share your stories and confessions privately by hiding your identity live via. Radyo Natin 106.5

14/05/2024

KUSANG NAGBUBUKAS NA TV
(SPG)
May inuman non sa amin, birthday kasi ni lolo. Tapos ako, nanonood ako ng TV habang naghihintay na matapos sila para sana malinis ko na yong terrace kung saan sila umiinom. Ayun na nga, pagkatapos nila naglinis na agad ako. Pin@tay ko muna yong TV bago ako pumunta ng kusina para hugasan mga pinaglagyan nila ng pulutan.
Pagbalik ko sa sala, nagulat ako kasi nakabukas yong TV. Medyo natakot ang ateng niyo pero pin@tay ko ulit yon tapos pumunta naman ako ng CR para jumêbs. Paglabas ko, nakabukas ulit yong TV. Kinilabutan na ako non.
Pap@tayin ko sana ulit yung TV nang biglang...
n@t0 ako ni mama ng tsinelas. Kanina pa raw siya bukas nang bukas ng TV dahil kanina ko pa raw pinap@tay, e may inaabangan pala siyang series. Natakot na ako, e. Akala ko mumu na. Hahahaha!
Tebi
*Confidential

14/05/2024

KUNG MAHAL MO KO, MAG-SE-SEND KA NG ANO...”
May nireto sa akin ang pinsan ko. Ilang weeks pa lang kaming magkausap, pareho na kaming attached. One day, tinanong niya ako kung mahal ko ba siya at sinabi kong oo. G*gi, sabi ba naman niya,
"Sige nga, kung mahal mo ako, mag-s€nd ka ng n*d€s."
Noong nag-s€nd naman ako, tumigil na siya sa panliligaw. Nalaman ko na lang na may gf na siya na mahilig mag-post ng th!rst trap at malaki ang bump€r. Huhu! Egul!
Redflag
20**
*Confidential

14/05/2024

“Dahil Mother’s Day ngayon, ano’ng unforgettable moment mo with your mom?”
“Pîn*l0 ako ng háng€r kasi ayaw ko pumasok sa school at naghim*táy-him*tâyan ako, ang ending, lalo ako g*nülpî kasi natawa ako nung inalog niya ako. 🤣🤦‍♀️”

07/05/2024

MARITES pa more!

Habang nagmomotor kami paGumaca may dalawang nagglalakad habang nagchichikahan sa tabing kalsada si ateh na nasa bandang kanan nagulat kami habang nagmomotor hindi inaasahan nahulog siya sa may kanal hahaha as if na parang walang nangyare kahit malalim yun umangat siya umakyat ulit at lakad na normal PA INOSENTE DE TI HAHAHA IINGAT INGAT LALO KAPAG MAY KAKWENTUHAN BAKA MAPASARAP SA KWENTO

RM 2024

07/05/2024

LUTANG MOMINTS
Sobrang inaantok na ako sa jeep kasi heavy traffic pauwi. Tapos habang nakatigil kami sa may tapat ng Goldilocks, aba, si ate na papasok, hindi yata nakita yung glass door. Huhuhu! Lagab0g malala si ante, napabunghalit tuloy ako nang tawa sa jeep. Huhuhu!
Voi
2024
BSE

07/05/2024

TANGGAL LIS€NSYA
Hello po, this story is not mine pero kailangan kasi ng advice ng friend ko so please po humihingi ako sa inyo ng seryosong sagot para kahit papaano makakuha siya ng idea.
Isang teacher si ate girl at may karelasyon siyang may asawa at mga anak, then nalaman ng legal wife yung affair. Ngayon, gusto ni legal wife patanggalan ng lisensya si teacher. Hindi mabitawan ni teacher yung guy kasi may anak din sila at nangako raw kasi si boy na mag-fa-file siya ng annulment.
Miss
201*
*Confidential

30/04/2024

OPLAN HANAP AFAM
Since high school ay mahilig na ako makipag-chat sa mga foreigners, gusto ko maging blue or green eyes, or blonde hair ang magiging anak ko. Sa tagal kong nakikipag-chat sa mga foreigner, iba’t ibang ugali ang na-encounter ko, may sweet at may mga b*st0s din . One time after exam namin, nag-aya ako sa bff ko na mag-net kami, uso pa Friendster nun (parang FB din). Ako naman naghahanap ng foreigners, yung nakikipag-chat ako at we**am na.
May nakausap ako nun na Indiano, nagpakita pa ng bimby niya, jusko, buti sana if d/@/k/s, e j/û/t/s naman. Sa sobrang panic ko, imbes exit ang na-click ko ay naging full screen pa. Jusko, tinawag ko yung bantay ng computer shop. HAHAHA! Hiyang-hiya ako nun, paano marami rin mga ibang student na nag-ko-computer nun. Naglalaan talaga ako budget para makapag-rent ng PC sa shop noon.
Madami na rin ako apps na sinalihan noon, may nakilala ako at na-meet na isang Irish, nagkita kami sa MOA, meron kasing art gallery at kasama siya sa events noon. Nagkita kami, chitchat at sinabi niya na maganda raw ako kaya lang ayaw niya sa kin dahil gusto niya morena, e hindi ako morena, tisay kasi ako, may lahing Spanish kasi ako.
May nakilala rin ako na isang Briton, matagal kami nag-cha-chat at nag-vi-VC, nanligaw siya sa kin kaya lang natatakot ako dahil heavy metal songs ang trip niya at pinakita niya sa kin ang bahay niya na nakakat*kot. HAHA! Puro s/k/u/l/l/s, basta parang s*t*nic theme house niya, baka kasi isa siyang ill*m*nat* member. HAHAHA! Kaya di ko siya sinagot, pero still friends pa rin kami (kasal na siya sa isang Pinay, may 1 anak na rin sila). Friends pa rin kami sa socmed pero di ko na siya chi-na-chat kasi may asawa na siya, baka isipin ng asawa niya ay nilal*ndi ko pa.
Sa tagal kong nakikipag-chat sa mga foreigner (kaya rin ako nakikipag-chat sa mga foreigner ay para mahasa ang English ko), nakapag-asawa naman ako foreigner din pero hindi Westeners, isa siyang Asian, na-meet ko siya dahil sa mutual friends, 10 years na kaming kasal.
Ihola
2009
HRM
*Confidential

30/04/2024

AHIT GONE WRONG
(SPG)
Hi, gusto ko lang humingi ng advice sa inyo, mga anteh at angkol. Medyo walang kwenta ito pero magtatanong na ako sa inyo kasi di effective yung mga na-search ko. Kahapon napansin ko na hindi na naman pantay ang tubo ng kilay ko kaya inahit ko.
Ang kaso nga lang nasobrahan sa ahit, marami yung nabawas sa upper part ng kilay ko. E nakaraan ko pa naisip na gawin yung trend 3 years ago na mag-eyebrow tattoo gamit yung blackening shampoo, yung mumurahing blackening shampoo na may kulay gold at blue.
Edi ayon, gumawa na ako ng mixture ng pang-eyebrow tattoo. Binabad ko ng less than an hour, jusko, paghilamos ko mukha akong angry bird, y*w@. Akala ko ma-la-lighten pa yung tint pag paulit-ulit kong binanlawan pero hindi talaga nag-lighten.
Ang hihingin ko sanang advice, e kung ano yung effective na pantanggal sa tint ng blackening shampoo? Kung may alam man kayong way or product? May pasok pa naman ako bukas kaya hindi ako puwede pumasok nang ganito.

-Confidential

30/04/2024

LOOKING FOR WIFE
40K Pesos a month, complete benefits (SSS, Philhealth, PAGIBIG, health insurance), with pleasing personality, any 4 year course, Maria Clara sa umaga, L€xi Lor€ sa gabi. 1 year contract (renewable, parang driver's licence)
Pag di na nagkasundo, annullment is waving.
Note: Piliin mo yung lalakeng kaya kang ipagpatayo ng bahay, hindi yung bimby lang kayang pat@yuin habang buhay.

From: Engineer
*Confidential

16/04/2024

HOY! BAKIT MO KINAIN YAN?!”
(SPG)
Hi Ka-Radyo Natin! This happen when I was in Grade 11. Member ako ng isang dance crew sa school namin and ginagabi ako umuwi dahil sa practice. Usually, 7 pm nasa bahay na ako and nakakasabay ako sa family ko maghapunan. One night, around 9 pm na ako nakauwi kasi that was the night before competition. Pagdating ko sa bahay, si mama nasa sala habang yung mga kuya ko naman nasa kanyang kwarto na. Sinabi ni mama na kanina pa raw sila tapos kumain at nasa ref daw yung tirang pagkain.
So pumunta na ako sa kusina at dumiretso sa ref kasi nga gutom na ako. Pag-open ko ng ref, yung clear na tupperware na may lamang biscuit agad yung nakita ko. Tinamad na ako mag-open ng ibang tupperware dahil sa pagod kaya yun na lang yung kinain ko. Di siya masyadong masarap pero ok na rin. Kinuha ko yung tupperware at dinala papuntang sala. Naupo ako sa harap ni mama habang busy siya kaka-selpon.
“Ma, gusto mo? Saan galing ‘tong biscuit?” tanong ko.
“Anong biscuit?” sagot niya.
Pagtingin ni mama sa kin, nanlaki yung mata niya sabay sabi:
“HOY! BAKIT MO KINAIN YAN?! PARA SA AS0 YAN! BAKIT MO KINAIN YUNG TREATS NI BROWNIE!”
Kaya pala paw shape siya at halos bite size. Doggie treats pala. Gusto ko iluwa pero naka-sampung sub0 na ako. Nilagay raw yun ni kuya sa tupperware at pinasok sa ref kasi nilanggam nung nasa plastic pa. Kaya pala ganun yung lasa, parang biscuit na kulang sa timpla. Huhu!
P.S. Nanalo kami sa dance competition the next day. Suwerte siguro yung doggie treats. Try n’yo, baka suwertehin din kayo.

Share your stories and confessions here at 09103461761

05/03/2024

MASAMA BA MAGTAMPO?
Tawagin n'yo na lang po akong Cess. Isang breadwinner. Panganay po ako sa limang magkakapatid. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob dito.
I have this sister na pinapaaral ko ng college. Actually, si Mama talaga ang nagpupumilit na paaralin yung kapatid ko sa isang university kahit alam naman nilang medyo tight ang budget namin. Ako po lahat gumagastos sa bahay. Walang maayos na trabaho ang parents ko kaya no choice ako kundi tumigil sa pag-aaral at magtrabaho.
Lately, napapansin ko yung kapatid ko na sobrang tutok sa cellphone. Hindi ko na siya nakikitang nag-aaral. Tapos nalaman kong may boyfriend na pala siya at ipakilala raw niya sa amin sa birthday niya. Medyo nagtampo lang ako na wala man lang say yung mga magulang ko. Hindi man lang pinagsasabihan. Tapos nung sinabi kong baka mapabayaan niya yung pag-aaral niya, siya pa ang nagtampo. As a maintindihing Ate, inintindi ko na lang, baka inspiration lang naman.
Dinala niya yung guy sa bahay nung birthday niya. Maayos naman. Parehas silang nag-aaral kaya tinanggap ko na lang. Pero ang nakapagpasama ng loob ko, nalaman kong etong kapatid ko pala ang gumagastos kapag nagde-date sila. Minsan daw hati sila sa gastos kasi practical daw sila. Nalaman ko ring binigyan niya ng gift na mamahaling smart watch. Edi nagulat ako. Simula tumuntong siyang kolehiyo, puro na siya hingi kesyo marami raw bayaring mga books tapos projects, pero kaya bang bumili pangregalo?
Pag-alis nung lalaki, pinagsabihan ko yung kapatid ko. As usual ako na naman mali, sinabihan pa ako ng nanay ko na baka raw naiinggit lang ako sa kapatid ko. Hello? Okay sana kung tinutulungan n'yo ako sa mga gastusin, no? Ultimo ulam araw-araw sa akin pa hinihingi. Bayad sa kuryente, tubig, groceries sa akin pa lahat.
Proud pa silang nag-ipon naman daw yung kapatid ko para may pang-date. Kung nag-ipon sana siya pambiling books o sa ibang projects niya para makabawas man lang sa iniisip ko araw-araw. Nakokonsesya na nga ako kumain sa Jollibee kasi iniisip ko pambaon na lang ng kapatid ko.
Isa pang nakakatampo, yung parents ko kayang makapag-ipon para sa birthday ng kapatid ko dahil dadating daw ang mga kaklase pero nung birthday ko kahit tinapay at juice ay wala. Ako pa gagastos kung gusto ko mag-celebrate. Paano sila nagkapera sa birthday, e ulam nga sa araw-araw hindi pa nila ma-provide?
Ang hirap mag*lit sa pamilya mo dahil sila palaging tama. Kapag sumasagot ako sa Mama ko, iiyak siya agad sabay sabing kak*rmahin daw ako kasi pinapaiyak ko siya. Wala naman akong ginawang masama. Nakakapag*d. Pakiramdam ko wala na akong kinabukasan, nagtatrabaho lang ako para mabuhay sila. It doesn't make sense na for me. Nanghihinayang na ako sa mga sacrifices ko and it makes me feel that I am the b*d person here.
Princess
2023
*Confidential

PÂHÂMÂK NA MAGNET(SPG)Last year pa to nangyari pero kapag naaalala ko ang nangyari that time ay napapatakip ako ng mukha...
05/03/2024

PÂHÂMÂK NA MAGNET
(SPG)
Last year pa to nangyari pero kapag naaalala ko ang nangyari that time ay napapatakip ako ng mukha tapos iniisip ko bakit bumili pa ako ng pandesal noong mga oras na yun.
So tulad ng sabi ko, bumili ako ng pandesal sa labas ng village rito sa amin. Sana all village, no? Basta bumili ako tapos may magnet sa bulsa ko, nilalagay ko kasi yang magnet habang nakaipit pitaka ko kasi malalaman ko kung nahulog yon o hindi, e. Puro barya pa naman pitaka ko. Tapos may ate na nasa likod ko, yung susunod sa pila sa pagbili ng pandesal. Hindi ko kilala yung ate, hindi ko rin yun ate. Basta ate na stranger.
Noong mga oras na yon, dalawa lang kaming bumibili. Aalis na sana ako dahil binigay na sa akin ang pandesal ko, tapos biglang dumikit yung magnet ko na nasa bulsa doon sa p€chây ni ate! Di ka nagkakamali sa nabasa mo. As in sa harap ng p€chây talaga. Ewan ko kung may piercing doon o kung anong bakal ang nadikitan ng magnet ko. Malakas pa namang dumikit yung magnet na dala ko, precaution lang para hindi mahulog pera ko. Kung piercing yong nadikitan, baka natanggal ko kaagad yung magnet, kaso nahirapan akong alisin yung magnet.
As in ramdam ko yung pagdikit ng kabilang side ng magnet sa ano ni ate while nakadikit sa pitaka ko yung other side, maski si ate nagulat kung bakit may dumikit sa kanya. Nagtataka nga sa amin yung lalaking magti-tinapay kasi may hinuhugot ako tapos malapit pa sa sens*t*b0ng part€ pa ng babae. T*ng*na, kung kayo nasa sitwasyon ko that time kakabahan kayo at pagpapawisan ng isang balde. Todo hila ako sa magnet tapos mukha pang mino-m*l*stya ko si ate sa harapan ng panadero.
Nang maalis ko yung magnet ay kaagad akong nag-sorry kay ate, pero tinalikuran ako ni ate tapos hindi na bumili ng pandesal. Awit. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng magnet na dumidikit sa p€chây. Hanggang ngayon curious ako sa kung anong nandoon sa baba niya na bakal. Pina-padlock ata ng partner niya yon. Hahaha!
Mga nasa 25 plus ata si ate, masungit mukha, medyo maganda, at kasing tangkad ko. Naka-duster siya na mahaba kaya hindi ko nalaman kung ano yung dumikit sa magnet, manipis pa yung duster niya at mukhang pantulog niya pa yun. T**na, pandesal lang gusto kong bilhin noon. Simula nang mangyari ang insidenteng yun, hindi na ako bumili ng pandesal doon, tapos nakatago na yung magnet na ginamit ko sa kabinet ko.
(baka ganito yung suot ni ate 😭👉: https://s.lazada.com.ph/s.jH7tM?cc -admin)
Ruru
20**
*Confidential

Address

Diversion Road
Atimonan
4331

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atimonan Secret Files-DJ’Papa’Tay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share