GO Philippines

GO Philippines Everything and Anything Philippines!
(1)

TEMPORARY PORTALET SA ILANG ISTASYON NG LRT-1 TINGNAN: Pansamantala munang naglagay ng portalet sa mga istasyon ng Vito ...
08/10/2025

TEMPORARY PORTALET SA ILANG ISTASYON NG LRT-1

TINGNAN: Pansamantala munang naglagay ng portalet sa mga istasyon ng Vito Cruz, UN Avenue at Pedro Gil, para magamit ng mga pasahero habang inaayos ang mga comfort room sa mga istasyong ito ng LRT-1.

Matatandaang bumisita kamakailan si DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez sa LRT-1 Pedro Gil Station kung saan nakasara umano at ginawa nang tambakan ng gamit ang CR, dahilan upang 'di magamit ng mga pasahero.

Source/Photos: DOTR/FACEBOOK

Inihayag ng Malacañang na opisyal na itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si DOJ Secretary Jesus Crisp...
07/10/2025

Inihayag ng Malacañang na opisyal na itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si DOJ Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman ng bansa, isang araw matapos ilabas ang shortlist para sa posisyon.

Papapalitan ni Remulla si dating Ombudsman Samuel Martires, na nagwakas ang termino noong Hulyo 27.

Ang tanggapan ng Ombudsman ay may tungkuling tumanggap at mag-imbestiga ng mga reklamo laban sa mga mataas na opisyal ng gobyerno, mga nakaupong nasa supervisory positions, at mga kaso na may kinalaman sa malalalang paglabag o malaking halaga ng pera at ari-arian.

Bago ang kanyang pagtatalaga, ipinahayag ni Remulla na hindi gagamitin ang Tanodbayan’s office bilang sandata sa politika. Ani niya, “too much politics” ang nagaganap sa loob ng opisina at nangangako siyang panatilihin ang integridad ng ahensya.

TULAY, BUMIGAY KASAMA ANG TRAILER TRUCKSTINGNAN: Bumigay ang tulay sa Piggatan Bridge sa Alcala, Cagayan nitong hapon, d...
06/10/2025

TULAY, BUMIGAY KASAMA ANG TRAILER TRUCKS

TINGNAN: Bumigay ang tulay sa Piggatan Bridge sa Alcala, Cagayan nitong hapon, dahilan upang makasama sa pagbagsak ang ilang trailer trucks.

Inaalam pa kung may nasaktan sa insidente.

Source/Photo: Cagayan PIO/FACEBOOK

"WHAT IF..." 🤔💭Upang muling makuha ang tiwala ng publiko sa gitna ng lumalalang isyu ng korapsyon,  iminungkahi ni Sen. ...
06/10/2025

"WHAT IF..." 🤔💭

Upang muling makuha ang tiwala ng publiko sa gitna ng lumalalang isyu ng korapsyon, iminungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano na magbitiw ang lahat ng opisyal at magsagawa ng snap elections.

"So here's a thought: What if we all just resign and allow a snap election? No drama, no excuses, no recycling. Just a clean slate for the Filipino people." ani Cayetano.

Pabor ba kayo sa mungkahi ni Cayetano na magkaroon ng snap elections? Ibahagi ang inyong saloobin sa ibaba 👇

Ginawang silungan ng mga biktima ng lindol sa Pandan Mahawak, Medellin, Cebu ang mga plastic bags upang makatulog sa kas...
02/10/2025

Ginawang silungan ng mga biktima ng lindol sa Pandan Mahawak, Medellin, Cebu ang mga plastic bags upang makatulog sa kasagsagan ng malakas na pagyanig na naganap kamakailan.

Dahil wala umanong bubong, kulang na camping tents, at walang maayos na evacuation area, napilitan umano silang balutin ang kanilang sarili sa plastic bags.

Bukod sa lindol, umuulan pa habang naganap ang pagyanig.

Source/Photos: Arg De Real/FACEBOOK

WEATHER UPDATE | BAGYONG   ☔🌀BASAHIN: Naging isa nang ganap na Tropical Storm ang bagyong Paolo ngayong Huwebes ng umaga...
01/10/2025

WEATHER UPDATE | BAGYONG ☔🌀

BASAHIN: Naging isa nang ganap na Tropical Storm ang bagyong Paolo ngayong Huwebes ng umaga, Oktubre 2, ayon sa ulat ng PAGASA.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 705km silangan ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65km/h at pagbugso na nasa 80 km/h.

Dahil dito, nakataas na ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Mainland Cagayan
- Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Apayao
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- The northern portion of Zambales (Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz)
- Tarlac
- Nueva Ecija
- Aurora,
- The northern portion of Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel, San lldefonso)
- The northern portion of Pampanga (Magalang, Arayat, Candaba, Mabalacat City)
- The northern portion of Quezon (General Nakar) including Polillo lslands)
- The northern portion of Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga)

Manatiling handa at naka-alerto!

Source: DOST-PAGASA

ILAN PANG BAHAGI NG SIMBAHAN SA CEBU, GUMUHOTINGNAN: Apektado rin ng malakas na lindol ang San Isidro Labrador Parish sa...
01/10/2025

ILAN PANG BAHAGI NG SIMBAHAN SA CEBU, GUMUHO

TINGNAN: Apektado rin ng malakas na lindol ang San Isidro Labrador Parish sa Tabogon, kung saan nag-collapse ang bubong nito, gayundin ang ilan pang haligi ng simbahan.

Source/Photos: Municipal Government of Tabogon, Cebu/FACEBOOK

PRAYING FOR EVERYONE'S SAFETY! 🙏🥺TINGNAN: Agad na nagsagawa ng rescue operations ang Danao City Rescue Team at BFP para ...
01/10/2025

PRAYING FOR EVERYONE'S SAFETY! 🙏🥺

TINGNAN: Agad na nagsagawa ng rescue operations ang Danao City Rescue Team at BFP para sa mga naaapektuhan ng malakas na lindol sa Brgy. Ilihan, Tabogon, Cebu.

Sa ngayon, naka-monitor ang lokal na pamahalaan upang mabigyan ng kaukulang tulong at atensyon ang mga biktima.

Source/Photos: Municipal Government of Tabogon, Cebu/FACEBOOK

01/10/2025

TAAL VOLCANO UPDATE 🌋

TINGNAN: Narito ang nangyaring minor phreatomagmatic eruption sa Bulkang Taal pasado alas-2 ng madaling araw, Oktubre 1.

Nagbuga ito ng 2500-meter-high na plume, bagamat nananatili pa rin ito sa Alert Level 1 status.

Source: PHIVOLCS/DOST/FACEBOOK

139-YEAR-OLD DAANBANTAYAN CHURCH IN THE AFTERMATH OF MAGNITUDE 6.9 QUAKETINGNAN: Nagiba ang malaking bahagi ng Daanbanta...
01/10/2025

139-YEAR-OLD DAANBANTAYAN CHURCH IN THE AFTERMATH OF MAGNITUDE 6.9 QUAKE

TINGNAN: Nagiba ang malaking bahagi ng Daanbantayan Church, na nasa 139 taon nang nakatayo sa Cebu.

Gumuho ang bahaging ito dulot ng Magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu, na naganap nitong gabi ng Martes, Setyembre 30.

Source/Photos: Cebu People’s Action Center/FACEBOOK

30/09/2025

85 DAYS UNTIL CHRISTMAS! ✨🎄

TINGNAN: Muling nagningning ang tanyag na Esperanza House sa Lucban, Quezon matapos pailawan ang makukulay at nagliliwanag na mga Christmas display kamakailan.

Taun-taong dinarayo ng mga turista mula sa iba't ibang lugar ang bahay na ito dahil sa mga IG-worthy na mga pamaskong palamuti.

📸 JKarlos Faller Juacalla (Facebook)

PRAYERS FOR THE VICTIMS 🙏🏼🕯️TINGNAN: Narekober na ang ilang bangkay ng mga biktima ng 6.9 magnitude na lindol kagabi sa ...
30/09/2025

PRAYERS FOR THE VICTIMS 🙏🏼🕯️

TINGNAN: Narekober na ang ilang bangkay ng mga biktima ng 6.9 magnitude na lindol kagabi sa Cebu.

Kinikilala at inilalagay ang mga labi sa mga body bag sa labas ng Cebu Provincial Hospital ngayong Miyerkules ng umaga, Oktubre 1.

Nagpapatuloy pa ang rescue at retrieval operations sa iba’t ibang lugar na matinding naapektuhan ng pagyanig.

Kasabay nito, nagpapatuloy ang pagbibigay ng tulong medikal sa mga nasugatan at naapektuhan ng malakas na lindol.

Source/Photo: SunStar Cebu

Address

Sinagtala
B. F. Homes
1714

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GO Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to GO Philippines:

Share