Radyo Natin Baao 88.7 FM

Radyo Natin Baao 88.7 FM Member - Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP)

25/07/2026
02/07/2026

☀️ Gustong manatiling presko sa bahay nang hindi lumalaki ang bayarin sa kuryente?

Buksan ang mga bintana at pinto sa umaga para sa mas maayos na bentilasyon. Makatutulong din ang ceiling board, light-colored na bubong, at mga puno sa paligid upang mabawasan ang init sa loob ng bahay.

Gawin ang mga gawaing naglalabas ng init sa umaga o gabi, at gumamit lamang ng electric fan kung kinakailangan. Sa tamang bentilasyon at sapat na lilim, mas magiging presko ang bahay habang nakatitipid sa kuryente. 🌿💡

Isang paalala mula sa Department of Energy (DOE).

02/07/2026

🌧️ Gustong makatipid sa kuryente ngayong tag-ulan?

Kahit mas malamig ang panahon, may mga nakasanayang gawain tuwing tag-ulan na maaaring magpataas ng konsumo sa kuryente. Kabilang dito ang madalas na paggamit ng clothes dryer, mas mahahabang hot shower, at pag-iiwang naka-on ng hot-and-cold water dispenser kahit wala namang gumagamit.

Para makatipid, i-spin dry muna ang mga damit bago gumamit ng clothes dryer at gamitin lamang ito para sa mga uniporme, tuwalya, damit ng sanggol, o makakapal na kasuotang kailangang matuyo agad. Sa paggamit ng shower heater, buksan lamang ito kapag handa nang maligo, gumamit ng warm setting kung maaari, at patayin ito habang nagsasabon o nagsha-shampoo. Maaari ring i-off ang hot function ng water dispenser kung hindi kailangan ng mainit na tubig at patayin ang cold function nito sa gabi o bago umalis ng bahay.

Makatutulong din ang tamang bentilasyon sa bahay. Iwasang magsampay ng maraming basang damit sa loob ng saradong kuwarto at tiyaking may sapat na daloy ng hangin upang mabawasan ang halumigmig. Kung kulang ang bentilasyon, gumamit lamang ng electric fan kapag kinakailangan. Maaari ring gumamit ng pitsel na may malamig na tubig sa refrigerator at magpakulo lamang ng sapat na tubig para sa maiinit na inumin.

Ang maliliit na hakbang sa araw-araw ay maaaring magbigay ng malaking tipid sa buwanang bayarin sa kuryente. 💡🌧️

Isang paalala mula sa Department of Energy (DOE).

02/07/2026

☀️ Nagpaplanong magpakabit ng rooftop solar?

Bago gumastos ng daan-daang libong piso, mahalagang malaman na hindi awtomatikong mawawala ang iyong electric bill. Ang matitipid ay nakadepende sa dami ng konsumo ng kuryente, oras ng paggamit ng appliances, kondisyon ng bubong, at tamang laki ng solar system. Hindi rin pare-pareho ang matitipid ng bawat bahay dahil magkakaiba ang oras at paraan ng paggamit ng kuryente.

Bago magpakabit, inirerekomendang suriin ang huling 12 buwang electric bill, average na kWh consumption, at kumuha ng hindi bababa sa tatlong quotations mula sa mga DOE-accredited solar PV installer o service provider.

Ang pinakamagandang solar system ay hindi ang pinakamalaki o pinakamahal. Ito ang system na bagay sa iyong bahay, paraan ng paggamit ng kuryente, kondisyon ng bubong, budget, at kakayahang magbayad. Kaya mag-research muna bago mag-invest. ☀️💡

Isang paalala mula sa Department of Energy (DOE)

Address

Jurassic Compound, San Isidro
Baao
4432

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Natin Baao 88.7 FM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category