28/06/2025
Sa mga tahimik na sandali kasama ang aking mga anak...sa kanilang halakhak, sa mahigpit na hawak ng maliliit nilang kamay, sa mga mata nilang punô ng pag-asa ... doon ko nararamdaman ang kapayapaang matagal ko nang hinahanap. Sa mga simpleng saglit na ‘yon, parang nawawala ang bigat sa dibdib. Ang ingay ng mundo, ang mga matang nanghuhusga, ang mga tinig na paulit-ulit humahabol ... tila naglalaho muna. Nagiging silungan ko ang init ng kanilang yakap. Sa piling nila, nakakalimot ako, kahit saglit lang. Nagiging magulang lang ako ... hindi isang taong ninanakawan ng katahimikan ng mga pangamba, kundi isang taong may dahilan pa rin para bumangon, magmahal, at lumaban sa bawat araw.