LetraTula

LetraTula Mga Tula na ikaw ang Paksa✍️

Malaya ka na -LetraTula 2025Dumating na ako puntong mas pipiliin ko na lang magparayaKaysa manatiling nagmumokmok at kaw...
08/02/2025

Malaya ka na
-LetraTula 2025

Dumating na ako puntong mas pipiliin ko na lang magparaya
Kaysa manatiling nagmumokmok at kawawa
Na mas pipiliin ko na lang mag-isa kaysa manatiling nasasaktan habang may kasama

Hindi dahil sa hindi na kita mahal
Kung di, binigyan mo na ako ng isa lamang na pagpipilian, pagpipilian na ikaw ay akin ng pakawalan

Yung masayang alaala nating dalawa
Na patuloy Kong hinahawakan sa twina
Ay papakawalan na
Aalisin na ang nararamdaman
At kailanman itoy kakalimutan

Malaya ka na, piliin mo ang bagay na saiyo’y nagpapasaya
Pinapalaya ko na….
Pinapalaya Ko na lahat ng aking nadarama

At kung dumating man ang araw na landas natin muling pagtagpuin
Tanging hiling wag mo na akong pansinin
Ituring mo akong estranghero
Upang matanggap na ng puso ko
Na kailanman di na tayo mabubuo

~MFB

YouTube: https://youtu.be/T-OkzKYEzB0

Paumanhin ama, kung minsan lang kita maalalaNaalala lang kita tuwing ako’y may problema Paumanhin ama, kung minsan kwest...
29/03/2024

Paumanhin ama, kung minsan lang kita maalala
Naalala lang kita tuwing ako’y may problema
Paumanhin ama, kung minsan kwestyon ko
Pagmamahal niyo
Kahit alam ko, ako’y mahal na mahal mo

Na sa bawat pagsubok na aking pinapasan
Lagi kang adyan upang ako’y tulungan
Na kahit minsan ako’y pinanghihinaan
Lagi kang andiyan upang ako’y gabayan

Sa bawat kalungkutan na aking nararamdaman
Ramdam ko na lagi kang nandiyan
Sa bawat kabiguan na aking nararanasan
Andiyan ka para ako’y damayan
Maparamdam mo lang kung gaano mo ako kamahal

Paumahin ama, kung minsan nagdadalawang isip akong magtiwala
Na minsan pinipili ko na lang mag-isa
Sapagkat tinatangay ako ng problema

Paumanhin ama, kung minsan ikaw pinakahuli kung nilalapitan
Matapos nilang akong talikuran
Ikaw na lang naiisip kung kapitan
Sapagkat ikaw na lang naiisip lapitan

Naalala lang kita sa kalungkutan pero
Limot kita sa kasiyahan
Naalala kita kung may kailangan
Limot pang pasalamatan

Paumanhin ama, kung lagi akong may pagduda
Kung kaya ko ba talaga ?
Harapin mga problema
Kahit alam ko,ikaw ay aking kasama
Na minsan napapangunahan ko inyong mga plano
Naiinis kapag hindi nasusunod ang gusto

Paumanhin ama,sa minsan hindi ko pagtitiwala
Na dapat sana saiyo ko na ipinapaubaya
Pero salamat ama, sapagkat hindi ka nawawala
Patuloy ka pa rin nagtitiwala

Na kahit nagkakamali ako
Andyan ka pa rin upang itama ako
Na walang panghuhusga o pangmamata

Na kahit minsan ika’y nakakalimutan
Lagi kang andiyan upang iparamdam
Kung gaano mo ako kamahal

Hindi ako ama perpekto
Pero ako’y tanggap niyo
Marami akong pagkukulang
Pero pinaparamdam mo, akoy hindi kulang

Kaya mamahalin ko buhay na bigay niyo
At lagi ng mananalig saiyo

Aking ama...

--LetraTula
MFB 2024

Address

Bacacay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LetraTula posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share