16/07/2024
PIGEON TALK:
Sabi ko dati babalik ako sa pagkakalapati para may pinapanuod lang akong lumilipad tuwing umaga habang nagkakape kaya bumili ako ng tig 300-500 yung iba palit pa sa rabbit at pumasok ako sa karera gamit ang anak ng mga nabili ko and as expected hindi makasabay ang mga ordinary bloodlines kasi sa pigeon racing hindi pwede ang basta bastang kalapati.
Lahat naman ng kalapati may bloodline,but the question is anong bloodline?saan nangaling?taon o dekada na bang ginagamit sa pigeon racing?
Duon papasok ang pedigree or history ng ibon.Napaka importante ng pedigree o malaman ang lipad ng lahi ng ibon para maging basehan for you to back track ang pinanggalingan ng ibon(strain) para mas madali mo madiskartehan kung anong ibon ang ipapares mo.
Madami magsasabi hindi naman porket may pedigree o anak ng champion ay nananalo.
Yes tama naman parang sa tao hindi naman lahat ng anak ng presidente nagiging presidente,hindi naman lahat ng anak ng mayor ay nagiging mayor
Pero merong mga anak ng presidente at mayor ang nagiging presidente or mayor gaya ng mga magulang nila,meron din anak ng boxer nagiging boxer gaya ng tatay nila.May mga anak silang hindi nagiging kagaya nila pero karamihan sa kanila ay succesful parin sa buhay.Ganun din sa kalapati hindi man mag 1st overall lagi ang anak ng champion ay nagiging finisher naman o di kaya ay laging nasa top 10.
Para sakin pag nasa bloodline ng ibon ang nananalo ay mas malapit ka sa panalo pero syempre bago mo magawang manalo ay pag-aaralan mo muna ang sistema na gagawin mo.Halos lahat ng pigeon fancier meroong hawak na malulupit or imported na linyada pare parehas lang yan mga champion line.
Sa pigeon Racing hindi lang pagalingan ng ibon ang labanan kundi pagalingan din ng SISTEMA.
At syempre kakailanganin mo din paburan ng SWERTE π.
Goodluck sa lahat ng may karera mga kalapatids.
DISCLAIMER: Lahat ng nabasa sa post na ito ay pansariling opinyon ko lamang,feel free to comment yours para mas madami pa tayo matutunan sa pagkakalapati.β€οΈ