Mikropono ng Misyonero

Mikropono ng Misyonero Mikropono ni San Pedro, Boses ng Misyonero

Pedro Calungsod Mission Area (Youth Ministry)

Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang PanahonOctober 10, 2025MABUTING BALITALucas 11, 15-26Ang Mabuting Balita ng Pang...
09/10/2025

Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon

October 10, 2025
MABUTING BALITA
Lucas 11, 15-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, matapos palayasin ni Hesus ang isang demonyo, nanggilalas ang mga tao. Ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, “Si Beelzebul na prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.” May iba namang nais siyang subukin, kaya’t nagsabi, “Magpakita ka ng kababalaghang magpapakilala na ang Diyos ang sumasaiyo.” Ngunit batid ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi sa kanila, “Babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at mawawasak ang mga bahay roon. Kung maghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sapagkat binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang ito. Kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na makagawa ng gayun? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo. Ngayon, kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.

“Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian. Ngunit kung salakayin siya at talunin ng isang taong higit na malakas, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi ang ari-ariang inagaw.

“Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa aking mag-ipon.

“Kapag lumabas na mula sa tao ang isang masamang espiritu, ito’y gumagala sa mga tigang na lugar at naghahanap ng mapagpapahingahan. Kung walang matagpuan ay sasabihin nito sa sarili, ‘Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.’ Pagbabalik ay matatagpuan niyang malinis na ang bahay at maayos. Kaya, lalabas siyang muli at magsasama ng pito pang espiritung masasama kaysa kanya, at papasok sila at maninirahan doon. Kaya’t sumasama kaysa dati ang kalagayan ng taong iyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Holy Rosary Intention | Day 9
08/10/2025

Holy Rosary Intention | Day 9

Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang PanahonOctober 9, 2025MABUTING BALITALucas 11, 5-13Ang Mabuting Balita ng Pangino...
08/10/2025

Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon

October 9, 2025
MABUTING BALITA
Lucas 11, 5-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Ipalagay natin na ang isa sa inyo’y nagpunta sa isang kaibigan isang hatinggabi at nagsabi, ‘Kaibigan, bigyan mo muna ako ng tatlong tinapay. Dumating kasi ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!’ At ganito naman ang sagot ng kanyang kaibigan sa loob ng bahay, ‘Huwag mo nga akong gambalain! Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako makababangon pa upang bigyan kita ng iyong kailangan.’ Sinasabi ko sa inyo, hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagkakaibigan, babangon siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan sa pagpupumilit nito. Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo, at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap; at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok. Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung humihingi ng isda? Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya’y humihingi ng itlog? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bago matapos ang araw na ito, sama-sama po tayong manalangin 🙏
08/10/2025

Bago matapos ang araw na ito, sama-sama po tayong manalangin 🙏

Holy Rosary Intention | Day 8
07/10/2025

Holy Rosary Intention | Day 8

Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon October 8, 2025MABUTING BALITALucas 11, 1-4Ang Mabuting Balita ng Pang...
07/10/2025

Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon

October 8, 2025
MABUTING BALITA
Lucas 11, 1-4

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Minsan, nananalangin si Hesus. Pagkatapos niya, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.” Sinabi ni Hesus, “Kung kayo’y mananalangin, ganito ang sabihin ninyo:

‘Ama, sambahin nawa ang pangalan mo.
Magsimula na sana ang iyong paghahari.
Bigyan mo kami ng aming makakain sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkasala sa amin.
At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Holy Rosary Intention | Day 7
06/10/2025

Holy Rosary Intention | Day 7

Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng RosarioOctober 7, 2025MABUTING BALITALucas 10, 38-42Ang Mabuting Balita ng Pangin...
06/10/2025

Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario

October 7, 2025
MABUTING BALITA
Lucas 10, 38-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa isang nayon. Malugod siyang tinanggap ng isang babaing nagngangalang Marta sa tahanan nito. Ang babaing ito’y may isang kapatid na Maria ang pangalan. Naupo ito sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo. Alalang-alala si Marta sapagkat kulang ang kanyang katawan sa paghahanda, kaya’t lumapit siya kay Hesus at ang wika, “Panginoon, sabihin nga po ninyo sa kapatid kong tulungan naman ako.” Ngunit sinagot siya ng Panginoon, “Marta, Marta, naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at ito’y hindi aalisin sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Twelve years of being God’s instrument! 😇Happy 12th Sacerdotal Anniversary, Fr. James! 🙏Salamat sa pagiging instrumento ...
06/10/2025

Twelve years of being God’s instrument! 😇
Happy 12th Sacerdotal Anniversary, Fr. James! 🙏
Salamat sa pagiging instrumento ng Diyos sa pagpapalaganap ng pagmamahal, kabutihan, at pananampalataya. Patuloy kang maging liwanag at inspirasyon sa aming lahat! ✨

Love, MnM Family🫶🏻

Holy Rosary Intention | Day 6
05/10/2025

Holy Rosary Intention | Day 6

Holy Rosary Intention | Day 5
04/10/2025

Holy Rosary Intention | Day 5

Address

Katwiran 2
Baco
5201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mikropono ng Misyonero posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share