29/08/2025
𝗙𝗘𝗦𝗖𝗔𝗢𝗥𝗠 𝟯𝗥𝗗 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛𝗟𝗬 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚. Matagumpay na naisagawa sa Bayan ng Baco ang 3rd Quarter Monthly Meeting ng Federation of Senior Citizens Association of Oriental Mindoro (FESCAORM) na pinangasiwaan ng lokal na pamahalaan, Agosto 28, 2025.
Kaugnay nito, nagbigay ng mensahe si Mayor Allan A. Roldan na kung saan ay taos-puso niyang tinanggap ang lahat ng dumalo at binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga nakatatanda bilang haligi ng ating bayan at ng ating lalawigan.
Bilang karagdagan, nagpahayag naman ng isang Welcome Address ni Baco Federation President Ligaya Ferranco at ang pagkilala sa mga kalahok na pinangunahan ni OSCA Head Florita C. Dimalibot.
Nagbigay rin ng kani-kanilang mensahe sina Municipal Vice Mayor Eric Castillo, Konsehala Severina B. Jimenez (Committee Chairperson on Senior Citizen), Konsehal Arlene Pereña, at MSWDO Janette V. Garcia.
Gayundin, nagbahagi ng kanilang mensahe sina Ms. Zarah C. Magboo (PSWDO), Mr. Raymond A. Mendoza (Provincial SC Focal Person), at Ms. Estela E. Malapitan (Special Assistant for SC Affairs). Pinangunahan naman ni FESCORM President Maura C. Javier ang pormal na pagpupulong ng mga OSCA Heads at Federation Presidents ng Oriental Mindoro.
Sa pagtatapos ng pagtitipon, nagbigay ng closing remarks si Florita C. Dimalibot, OSCA Head, bago nagtuloy sa masiglang bahagi ng socialization, na nagpatibay ng pagkakaisa at ugnayan ng mga senior citizen leaders ng Oriental Mindoro.
Ang buong programa ay naging matagumpay sa tulong ng Municipal Tourism Office ( Baco Tourism, Culture and The Arts ) sa pangunguna ni Tourism Operations Officer I Bejay Dimalibot, na nagsilbing host ng naturang pagpupulong.