28/11/2025
💔💔💔
Hindi ako pabor sa ilang bahagi ng War on Drugs mo at alam ng lahat yun pero nung subukan kong mag ikot sa ibaba kausap ang mga ordinaryong tao, ramdam nila ang kaibahan lalo na ang kapanatagan na mamuhay ng maayos nung panahon mo dahil sabi nila, bumalik nanaman ang mga kriminal na walang kinatatakutan, nag aabutan nanaman ng droga kahit tanghaling tapat ngayon.
Hindi maiintindihan ng elitista ang mga tao na may kasamang adik sa bahay o kapitbahay, lalo na kapag nagbebenta na ng maski electric fan, sinusuntok ang nanay o asawa para lang may ibigay na pera pambili ng droga, mang gahasa o bigla nalang mananaksak ng makita dahil wala na sa katinuan ang utak dahil sa droga
Ang tagal ko tinimbang ito dahil malungkot ako para sa mga inosenteng nadamay na kinamatayan ang mga pangyayari pero hindi ko pwede ipikit anh mata ko at takpan ang tenga ko sa mga istorya na narinig ko sa palengke, public transport, barbershop, at kung saan saan pa
Ang sakin lang dito ka sana nakakulong saatin dahil sabi nga ni BBM sa mga fugitive abroad na working naman ang legal system natin kaya umuwi sila at harapin ang kanilang kaso, nakita ng administrasyon na ito na malaking tinik nila si digong dahil tinatamaan sila tuwing binabanatan niya ang kalabisan ng gobyerno, marami pa ring tagasunod lalo na sa mindanao.
Imbis na paghilom matapos ang resulta ay mas lalong nagkawatak watak lang tayong lahat.