12/08/2026
๐๐ข๐ค๐: ๐๐๐ง๐๐๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐๐ซ๐ข๐ง๐ฅ๐๐ง
Sa pag-usbong ng banyagang salita, tuluyan na ba nating nakalimutan ang sariling wika?
Nilamon ng nakaraan ang ating sariling wika na naging tinig ng bayan, kasabay sa pagsibol ng wikang Ingles. Bilang isang kabataan, nasaksihan ko ang paglimot ng katutubong pananalita at ang mga pagpapahalagang bumubuo ng ating pagkakakilanlan. Dahil dito, sa kasalukuyang panahon, nagsilbi itong krisis ng ating identidad at ang ugat ng ating pinagmulan bilang mga Pilipino.
Batay sa Philippine Information Agency, 45 na wika sa Pilipinas ang nanganganib na mawala ayon sa Ethnologue List. Dahil dito, buong igting kong ipinaglalaban na hindi lang ito isang maliit o "minor" na isyuโito ay matinding sakit ng ating komunidad, ang kanser ng ating lipunan na dapat bigyang pansin ng bawat isa sa atin. Patuloy na bumabagabag ang suliranin na ito, sapagkat kalakip ng pagtanggap sa iba't ibang wika at kulturaโay hindi natin namamalayan na unti-unti nang nawawala ang sariling landas ng Inang Bayan.
Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO, mahigit kalahati sa 6,900 na wika ang nanganganib na maglaho bago matapos ang ika-21 siglo. Ang pagkalimot sa sariling wika ay hindi kusang-loob o agarang nangyayari, madalas ito ay dulot ng dahan-dahang pagbabago na hindi maiiwasan dala ng modernisasyon at globalisasyon. Ang mga puwersang ito ang nagtutulak sa mga tao na makibahagi sa mga transisyon sa lipunan tulad ng paggamit ng teknolohiya, ugnayan sa pamahalaan, at iba pang access sa mga pampublikong serbisyo.
Sa kabila ng nakababahalang sitwasyon na ito, sinabi ni Kom. Mendillo na ang mga naglalahong wika ay maaaring maibalik muli. Isang patunay dito ang wikang Hebreo. Kaugnay nito, minsan itong itinuring na patay na wika dahil sa pagkawala ng mga pang-araw-araw na tagapagsalita sa kabila ng paggamit nito sa relihiyon at pag-aaral. Dahil sa kakulangan ng interes, pagbabago ng pamumuhay at mas malakas na impluwensya ng dominanteng wika tulad ng Ingles at Filipino, nakalimutan ng kabataan ang mga wika ng kanilang mga ninuno.
Taos puso kong pinaniniwalaan na sa kabila ng mga pagbabago ng ating lipunan, nawa'y maging daan ang mga pagbabagong ito upang magbalik-tanaw sa ating wika.
๐ป๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐ โ๐โ๐๐ฆ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐๐ฆ๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐๐ค๐ ๐๐ ๐ค๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐? ๐ป๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ โ๐๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐ ๐ก๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐, ๐๐ข๐๐ก๐ข๐๐, ๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐ก ๐๐๐ ๐๐ฆ๐ ๐๐ฆ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐.
Sa huli, upang mapanatili at mapalaganap ang ating kalayaan, naniniwala ako na ang pagbabagong ito ay naka-ukit sa palad naming mga kabataan. Hikayatin at bigyang aral ang mga paaralan na magsagawa ng mga programang nagtatampok sa kulturang Pilipino tulad ng mga paligsahan sa pagsulat at tula para sa paglago ng literasiyang Pilipino. Mula sa tahanan natin, dapat na magsilbing susi ang wika upang maging tulay ng komunikasyon na siyang nagpapatibay ng mga relasyon nating mga kapwa Pilipino. Sa ganitong paraan, ang wika ay mananatiling buhay, makapangyarihan at maging malaya.
Isinulat ni: Gracia
Panglalarawang tudling ni: Inkless Quill