Zhianne

Zhianne Self worth 🩷☘️🥀

Good morning po siblings let me share you a passage po 🌾🍒Almighty God Says 😇🥹Anuman ang mangyari sa iyo, dapat kang luma...
02/03/2026

Good morning po siblings let me share you a passage po

🌾🍒Almighty God Says 😇🥹

Anuman ang mangyari sa iyo, dapat kang lumapit sa Diyos—ito ay tama. Dapat mong pagnilayan ang iyong sarili habang hindi inaantala ang pagganap ng iyong tungkulin.Huwag kang magnilay lang at hindi gampanan ang iyong tungkulin—mali iyon. Anumang pagsubok ang dumating sa iyo, dapat mong ituring ito bilang pasaning ibinigay sa iyo ng Diyos. Sabihin nang ilang mga tao ay nababalutan ng matinding karamdaman at hindi matitiis na pagdurusa, nahaharap pa sa kamatayan ang ilan. Paano nila dapat harapin ang ganitong uri ng kalagayan? Sa maraming pagkakataon, ang mga pagsubok ng Diyos ay mga pasaning ibinibigay Niya sa mga tao. Gaano man kalaki ang pasaning ipagkaloob sa iyo ng Diyos, iyon ang bigat ng pasanin na dapat mong gawin, sapagkat nauunawaan ka ng Diyos, at alam Niyang kakayanin mo ito. Ang pasaning ibinigay sa iyo ng Diyos ay hindi lalampas sa iyong tayog o sa mga kakayahan ng iyong tatag, kaya’t walang tanong na kaya mong itong pasanin. Anumang uri ng pasanin ang ibinibigay sa iyo ng Diyos, o anumang uri ng pagsubok ang ibinibigay Niya sa iyo, tandaan mo ito: Kapag nananalangin, nauunawaan mo man o hindi ang kalooban ng Diyos, nakakamit mo man o hindi ang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at kung ang pagsubok ay pagdidisiplina sa iyo ng Diyos o pagbibigay sa iyo ng babala, hindi mahalaga kung hindi mo nauunawaan ito. Hangga’t hindi ka tumitigil sa paggawa ng tungkuling dapat mong gawin, at kaya mong kumapit dito nang matapat, malulugod ang Diyos sa ganitong paraan at makakatayo kang saksi. Nakikitang nagdurusa sila mula sa malubhang karamdaman at mamamatay, iniisip ng ilang mga tao sa kanilang sarili: “Nagsimula akong maniwala sa Diyos upang maiwasan ang kamatayan—ngunit lumalabas na kahit matapos ang maraming taon ng paggampan sa aking tungkulin, hahayaan Niya akong mamatay. Dapat ituloy ko ang mga Gawain ko at kalimutan ang pagtupad ng aking tungkulin.” Anong pag-uugali ito? Ginagawa mo ang tungkulin mo sa loob ng maraming mga taon, nakinig ka sa lahat ng mga sermong ito, at hindi mo pa rin nauunawaan ang katotohanan. Ibinagsak ka ng isang pagsubok, pinaluhod ka, inilantad ka. Karapat-dapat bang pangalagaan ng Diyos ang gayong tao? Ganap silang walang katapatan. Kaya’t anong tawag sa tungkulin na ginagampanan nila sa mga nakaraang taon? Kilala ito bilang “paggawa ng serbisyo,” at pinagpipilitann lamang nila ang kanilang sarili. Kung, sa iyong pananampalataya sa Diyos at paghahanap sa katotohanan, masasabi mong, “Anumang karamdaman o hindi magagandang pangyayari ang payagan ng Diyos na mangyari sa akin—anumang gawin ng Diyos—kailangan kong sumunod, at manatili sa aking lugar bilang nilikhang nilalang. Bago ang lahat, dapat kong ilagay ang aspektong ito ng katotohanan—pagsunod—sa pagsasagawa, ipatutupad ko ito, at isasabuhay ang katotohanan ng pagsunod sa Diyos. Bukod dito, hindi ko dapat itakwil ang iniutos sa akin ng Diyos at ang tungkuling dapat kong gampanan. Kahit na sa huling hininga ko, dapat kong sumunod sa aking tungkulin.” Hindi ba ito pagpapatotoo? Kapag mayroon ka ng ganitong kapasiyahan at ganitong uri ng kalagayan, magagawa mo pa bang magreklamo tungkol sa Diyos? Hindi, hindi mo na magagawa. Sa ganitong panahon, dapat mong isipin sa sarili mo, “Binibigyan ako ng Diyos nitog hininga, naglaan Siya para sa akin sa lahat ng mga taon, kinuha Niya ang labis na sakit mula sa akin, binigyan ako ng maraming biyaya, at maraming katotohanan.
Hinango mula sa “Nagmumula ang Landas sa Madalas na Pagninilay-Nilay sa Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

゚viralシfypシ゚viralシalシ

26/04/2025

🩷😍😍🥰😘

26/04/2025

🩷😍

19/03/2024
06/03/2024

Address

Bacolod City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Zhianne posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Zhianne:

Share