05/08/2026
๐ฝ๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ฌ๐ ๐๐๐๐, ๐๐ฎ๐ง๐๐ข ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ : ๐๐๐ข๐ญ๐๐ง๐ ๐, ๐๐๐ ๐ฐ๐๐ ๐ข ๐ฌ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ค ๐๐๐ค๐ซ๐๐ฐ
Nagwagi ang koponan ng Baitang 8 laban sa Baitang 12 sa ginanap na paligsahan ng Sepak Takraw sa Murcia National High School ngayong araw, Agosto 5.
Matapos ang mahigpit na labanan, nanaig ang mas batang pangkat sa kabila ng inaasahang kalamangan ng kalaban sa karanasan at taas ng mga manlalaro. Mula pa sa simula, nagpakita agad ang Baitang 8 ng mahusay na pagtutulungan, mabilis na pagkilos, at matibay na depensa. Hindi nagpahuli at nanatiling nakapokus ang koponan sa bawat sipa at salo, habang patuloy ding lumaban ang Baitang 12 hanggang sa huling sandali. Opisyal na idineklara ang Baitang 8 bilang kampeon, na sinalubong ng masigabong palakpakan mula sa mga g**o at kapwa mag-aaral na sumaksi sa laro.
Maikli lamang ang panahon ng kanilang paghahanda bago ang laban, ayon sa kanilang tagapagsanay na si Gng. Edna Reza Li-soan. โFor a short period lang and sang notice nga may intramural kita, actually wala and may kami ano na kadako nga preparation kay gin pang tipon ko man lang ni sila, natipo ang team natin sang Friday, so short period wala training, warm up lang and ang nahimo sa ila then plano. May plan kung ano ang pwede himoon so strategy kag so far ang nahimo na strategy is nag work kay nagdaogโeffective ang strategy nga naubra namon. Thank you sa dedication, i hope you will continue sang inyo nga pag practice isa ka hampang where in nga madala sa inyo pride and honor sa inyo nga self kag sa inyo family and of course sa Murcia National High School.โ
Mahalaga rin ang naging pagkakaisa ng bawat kasapi ng koponan sa kanilang tagumpay. โAng ma hambal ko lang sa akon mga upod, mayo gid kay may teamwork kag ga buligay kami. Na-feel ko man nga sadya gid kay nagdaog kami, kag indi man madula ang kulba. Salamat man sa amon coach kay siya ang naghatag sa amon sang estratehiya kung paano kami magdaog,โ ibinahagi ng Kapitan ng Koponan na si Renan Escalona.
Sa panig ng koponang natalo, halo-halong damdamin ang ibinahagi ng kapitan ng Baitang 12 na si Jayden Justin Valdez. โProud but sad, because many people expect nga madaog kami and happy man kami kay ang mga gin pang tudluan namon amo na ang champ subong nga intrams kag last year kag sila na mapadayun sang amon gin sugudan.โ
โ๐ป: Arnelyn S. Welcam
๐ท: Charnetz O. Vinas
๐ผ๏ธ: Kristine Raine E. Suello