09/04/2025
"One day, your kids will figure you out."
Hindi habangbuhay bata ang mga anak natin. Hindi habangbuhay basta na lang nila tinatanggap ang lahat ng sinasabi natin. Darating ang araw, they'll start to see things for what they really are.
They’ll notice how you talk to your spouse—kapag may ibang tao… at kapag kayong dalawa lang.
They’ll remember how you handled stress.
Kung paano ka magalit, kung paano ka magsorry (o kung hindi ka nagsosorry).
They’ll recall kung paano ka magpakumbaba—or kung palagi kang kailangang tama.
They’ll see if you truly made time for them—or kung palagi silang nasa “later” ng schedule mo.
If you were patient with them when they struggled, or if you only praised them when they performed well.
They’ll recognize if your faith was genuine—or kung sinasabi mo lang ‘yan every Sunday.
Nakakatakot isipin minsan, no? Kasi bilang magulang, we often focus so much on providing, guiding, correcting… na minsan nakakalimutan natin na TAYO ang una nilang example of love, grace, humility, and respect.
Ang tanong:
When they grow up and look back, will they be thankful for the kind of parent you were?
Will they say, “Gusto kong maging katulad ni Mama / Papa”?
Or will they quietly promise themselves, “Ayokong lumaki ang anak ko the way I did.”
Hindi tayo perpekto. At hindi natin kailangang maging perfect.
But we can be intentional.
We can say sorry. We can grow.
We can show them what it looks like to be real, to love deeply, and to walk in faith.
Because someday, they’ll figure us out.
And I hope, by God’s grace, they’ll see a parent who tried their best—with love, with humility, and with purpose.