25/12/2025
Dati tuwing Pasko, ako lagi ang nagbibigay — ako ang nag-aabot, ako ang nagha-handa, ako ang nagiging ate/tita na sumusuporta. Pero iba na ngayon… habang tumatanda ang mga pamangkin ko at mga kapatid ko, nakikita ko silang unti-unting tumatayo sa sarili, nagsusumikap, at natututo ring magbigay mula sa puso. 🥹🎄
Sobrang proud ko sa inyo, mga pamangkin at kapatid ko. Hindi man madali ang buhay, pero pinipili niyo pa ring mag-share kahit maliit o malaki. Iba ang saya na makita kayong lumalago, hindi lang sa edad, kundi sa pananaw, pakikisama, at pagmamahal sa pamilya.
Salamat sa inyo — hindi dahil may binigay kayo, kundi dahil nakikita ko ang bunga ng pagmamahal at gabay natin bilang pamilya.
This Christmas feels extra special… dahil ngayon, kayo na rin ang nagbibigay. 💛✨
Salamat Ginoo sa imo kamaayo sa akon Pamilya. Insert Papa in heaven Rodolfo Bornales.