11/03/2026
𝐆𝐎𝐎𝐃 𝐍𝐄𝐖𝐒! 𝐅𝐫𝐞𝐞 𝐎𝐅𝐖 𝐅𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐋𝐢𝐭𝐞𝐫𝐚𝐜𝐲 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐏𝐚𝐬𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝟐𝐧𝐝 𝐑𝐞𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐝𝐨!
Labis na ikinatuwa ni Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Sen. Idol Raffy Tulfo ang pag-apruba sa 2nd Reading ng Senate Bill No. 1910 o “Free Financial Literacy Education for Overseas Filipino Workers and their Families” ngayong araw, March 11.
Ayon kay Sen. Raffy, na principal sponsor at isa sa mga pangunahing authors ng SB No. 1910, saklaw ng panukalang batas na ito ang mga OFW, maging land-based o sea-based, dokumentado man o hindi, pati na rin ang kanilang pamilya o mga dependent.
Ipinaliwanag ni Sen. Raffy na makakatulong ang SB No. 1910 na mabigyan ng sapat na kaalaman ang ating OFWs tungkol sa pagse-save ng kanilang pera habang nagtatrabaho sa ibang bansa para pagbalik nila sa Pilipinas ay mayroon silang sapat na ipon.
Binigyang-diin ni Sen. Raffy na sisiguraduhin ng panukalang ito na matuldukan na ang dumaraming insidente kung saan matapos magtrabaho nang deka-dekadang taon ng ating mga bagong bayani abroad, kadalasan ay uuwing luhaan ang iba dahil walang ni-sentimong ipon.
Sa ilalim pa ng SBN 1910, lahat ng OFW ay sasailalim sa mandatory at tuloy-tuloy na financial education o literacy training seminars na magiging bahagi na ng Pre-Departure Orientation Seminars (PDOS) para sa mga OFW na papaalis ng bansa.
Bukod pa rito, tuturuan din silang mag-impok, mamuhunan, mag-invest at iba pang maraming paraan para alagaan, palaguin at protektahan ang kanilang hard-earned money nang sa gayon ay hindi sila uuwing “empty-handed” pabalik ng Pilipinas.
Sa huli, pinasalamatan ni Sen. Tulfo ang kapwa niya mga mambabatas sa mabilis at napapanahong pag-apruba ng kanyang proposed measure para sa kapakinabangan ng ating mga bagong bayani.