20/09/2025
Ang isipin mo lagi, walang tutulong sa’yo kapag zero balance ka na! Kahit gaano karaming kaibigan meron ka ngayon, kapag naubusan ka, mauubos din sila. Ang iba, biglang hindi na magre-reply. Ang iba naman, hindi mo na mararamdaman.
Diyan mo mararanasan kung sino talaga ang tunay na nandiyan para sayo.
Kaya habang maaga pa, matuto kang umasa sa sarili mo. Hindi mo kailangang ipakita sa lahat na nahihirapan ka. Minsan, mas ligtas ang tahimik na lumalaban kaysa sa umaasang may sasalo.
Dahil sa mundong ito, bihira ang totoong malasakit. Madalas kapag ikaw na ang nangangailangan, ikaw din lang ang matitira. 🤙