ArcTech Solutions

ArcTech Solutions "Architectural, electrical, plumbing, and civil design professional.
(2)

Specializing in AutoCAD, Revit, and SketchUp to deliver accurate, efficient, and creative building solutions."

06/06/2026

Akala ng marami, HVAC ay aircon lang. Hindi.

HVAC ay Heating, Ventilation, at Air Conditioning. Dito sa Pinas, ang ventilation ang madalas nakakalimutan, kaya kahit naka-aircon ka na, mainit at kulob pa rin.

Tamang ventilation = mas preskong bahay. Tamang aircon size at pwesto = mas tipid sa Meralco.

Kaya sa Arctech, hindi namin 'to tinatrato na extra. Kasama siya sa design mula day one.

I-save mo 'tong video kung nagpapaplano ka pa lang ng bahay. Balikan mo bago ka bumili ng aircon.

04/06/2026

Maraming salamat sa client namin na nagtiwala sa Arctech Solutions para sa dalawang design na 'to.

Yung nasa taas, modern two-storey na pang-pamilya. Malinis ang facade, 2-carport, at ginawa para sa init at ulan ng Pinas.

Yung nasa baba, 5-unit townhouse na pang-investment. Isang design lang pero pwede mong paupahan o ibenta per unit.

Hindi kami nagbebenta ng picture. Nagde-design kami ng bahay na kayang itayo, pasok sa budget, at hindi ka iiwan pagkatapos ng turnover.

Ikaw, anong uunahin mo ngayon? PANG-TIRA o PANG-KITA?

03/06/2026

Design hindi lang porma. Design ay desisyon.
Minimalist kung gusto mo ng efficiency at natural light.
Tropical Modern kung priority mo ang airflow at hindi mainit na second floor.
Luxury Industrial kung gusto mo ng structural character at mataas na resale value.

Pipili ka ba base sa itsura, o base sa paano ka titira araw-araw?

02/06/2026

Government project ang standard namin.

SSS Office completed with complete MEPF + architectural works. Hindi hiwalay ang gumawa, kaya consistent ang quality.

Planning ka pa lang ng office o clinic? Kwento mo muna sa amin ang location at scope, tingnan natin kung paano namin ia-apply.

01/06/2026

Plumbing

30/05/2026

Client: "Sir, plano lang muna ha, next year pa build."
Kami: "Copy."

3 weeks later: approved plans.
6 months later: kami rin ang tinawag para mag-build.

Bakit? Kasi hindi na sila naghanap ulit. Nasa amin na lahat ng details.

Ikaw, plan muna o sabay na?

29/05/2026

Hindi laging bakal o semento ang problema madalas, nasa maliliit na desisyon sa site nagsisimula ang failure. Shoring na tinanggal agad, buhos na minadali, walang checklist bago mag-pour.

Paalala: general safety practice lang ito, hindi tungkol sa kahit anong specific na project. Ang goal ay matuto tayo sa proseso, hindi magturo ng sisi.

Tatlong simpleng habits na malaki ang impact: daily checklist, photo documentation, at stop-work authority. Ikaw, ano yung madalas mong marinig na "pwede na yan" sa site na alam mong delikado?

28/05/2026

Sa slab works madalas pinakamalaki ang material consumption sa construction.

At kapag mali ang estimate sa cement, sand, o gravel… mabilis ding lumalaki ang gastos habang nagpapatuloy ang buhos.

Kaya ginawa ang ArcTech Construction Estimate System para automatic na ang slab material computation at mas malinaw ang planning bago magsimula ang trabaho.

Kapag nakapag-subscribe gamit ang link sa comment section, mapupunta ka sa private ArcTech Facebook group kung saan available ang apps, tutorials, at guides.

👉 Access details nasa comment section.

27/05/2026

Bakit may mga building na bumabagsak habang under construction pa lang? Hindi ito simpleng aksidente posibleng may mali sa structure, sa materyales, o sa proseso sa site.

Paalala lang: general discussion ito for learning purposes, hindi tungkol sa isang specific na insidente. Hintayin natin ang official investigation para sa mga recent cases.

Safety at quality control ang laging puhunan isang maling desisyon, buhay ang kapalit. Sa tingin mo, sino ang may pinakamalaking responsibilidad kapag nangyari ito designer, contractor, o site management?

26/05/2026

Kapag gumuguho ang building habang ginagawa pa lang, hindi ito simpleng aksidente lang. Posibleng may problema sa design, bakal, concrete quality, suporta, o mismong proseso ng construction. Sa ganitong sitwasyon, puwedeng managot ang contractor, engineer, foreman, project manager, at pati owner depende sa investigation. Isang maling desisyon lang sa construction puwedeng magdulot ng malaking trahedya at pagkawala ng buhay. Sa tingin mo, ano ang pinakamadalas na dahilan ng building collapse?

“Sa tingin mo, sino talaga ang dapat managot kapag gumuguho ang building?”

Address

TAYTAY RIZAL
Bacolod City
1920

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ArcTech Solutions posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share