BUHAY MISIS

BUHAY MISIS Welcome to my mom

Always forever đź’–
10/08/2025

Always forever đź’–

"Sino Ang Pipiliin Ko?"May mga pagkakataon sa buhay na sinusubok tayo sa paraang hindi natin inaasahan. Minsan, mawawala...
10/08/2025

"Sino Ang Pipiliin Ko?"

May mga pagkakataon sa buhay na sinusubok tayo sa paraang hindi natin inaasahan. Minsan, mawawala sa atin ang bagay na pinakamahalaga—at minsan, babalik ito sa panahong hindi na tayo handa. Sa huli, ang pinakamahirap na desisyon ay kung sino ang pipiliin natin: ang nakaraan o ang kasalukuyan.

Ako si Japhet, apatnapung taong gulang. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang kwento ko, Naaksidente ako at nagbago ang lahat. Sampung taon na ang nakalipas nang mangyari iyon. Maulan ang gabi, madulas ang kalsada. Habang nasa Cebu ako upang makipagsapalaran, Isang tricycle ang bumangga sa akin habang naglalakad ako pauwi. Nauntog ako nang malakas at pagdilat ko, wala na akong maalala—kahit pangalan ko, pamilya, wala.

Napalibutan ako ng mga taong hindi ko kilala. Isa sa kanila si Maricel, isang dalagang may mabuting puso. Siya ang nagdala sa akin sa hospital at pagkalabas ko bahay niya kmi dumiritso, pinakain, pinatulog, at ipinakilala sa mga kapitbahay bilang taong natagpuan niya sa kalsada. Una, balak ko sanang umalis, pero saan ako pupunta kung wala naman akong alam tungkol sa sarili ko? Pinangalanan nila akong Mario dahil d ko matandaan ang tunay kong pangalan.

Lumipas ang mga buwan at natutunan kong tanggapin ang bago kong buhay. Si Maricel, na noon ay simpleng kaibigan, unti-unting naging kasama ko sa lahat. Siya ang nagturo sa akin magtrabaho sa bukid, mag-alaga ng manok. Sa bawat araw na magkasama kami, unti-unti ring lumalim ang aming relasyon.

Pagdating ng ikalawang taon, ikinasal kami sa isang simpleng seremonya sa barangay. Ilang taon pa, isinilang ang anak namin na si Butchoy. Doon ko naranasan ang saya ng pagiging ama. Kahit mahirap ang buhay, buo ang pamilya namin. Ang nakaraan? Parang isang anino na matagal nang nawala.

Hanggang dumating ang araw na babago ulit sa lahat. Maulan ang hapon, at may tulo ang bubong ng bahay. Umakyat ako para ayusin iyon. Isang maling tapak sa basang yero at nadulas ako. Tumama ang ulo ko sa matiga

Address

Bacolod Kalawe
Bacolod Grande

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BUHAY MISIS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share