Luntiang Tanglaw 2.0

Luntiang Tanglaw 2.0 Ang Luntiang Tanglaw ay opisyal na Filipino publikasyon ng Lower Grades ng University of St. La

Ginugunita ngayong araw ang ika-160 kaarawan ni  G*t Andres Bonifacio. Si Bonifacio ay kilalang matapang dahil itinatag ...
30/11/2023

Ginugunita ngayong araw ang ika-160 kaarawan ni G*t Andres Bonifacio. Si Bonifacio ay kilalang matapang dahil itinatag niya ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang, Katipunan , mas kilala bilang Katipunan o K*K na layong mapalaya ang Pilipinas sa Espanya. Isinabatas ang Republic Act No. 2946 na nagtakda sa November 30 ng kada taon bilang national holiday para gunitain ang kanyang kapanganakan.
Mabuhay ka, Andres Bonifacio! Mabuhay ang mga bayaning Pilipino!

Sinulat at gawa ni : Eunice Salvador

Nanalo sa NOPSSCEA 2023 Literary Contest Elimination Round sa Filipino at English Deklamasyon sina Lordes Hilario at Isa...
30/11/2023

Nanalo sa NOPSSCEA 2023 Literary Contest Elimination Round sa Filipino at English Deklamasyon sina Lordes Hilario at Isaac Zayco ng 6A sa John B. Lacson College Foundation Bacolod noong Nobyembre 28, 2023.
Sa kategorya ng English, lumahok ang pitong paaralan at sampung kalahok naman para sa Deklamasyon sa Filipino. Pasok ang dalawa sa elimination round at tinanghal na Kampeon sa nasabing patimpalak. Ang tagapagsanay sa Filipino ay si Gng. Mary Jossie Tingson at sa English ay sina Bb. Apple Kate Ablanque at Bb. Cindy V. Mori. Maghahanda naman sina Lordes at Isaac, para sa darating na Finals bukas, Disyembre 1.

Sinulat ni: Sophia Alexa Margaret M. Heradura
Larawan mula kay Gng. Mary Jossie Tingson

Nagwagi sa NOPSSCEA 12 under basketball games ang USLS basketball team laban sa Hua Ming basketball team sa Hua Ming Gym...
30/11/2023

Nagwagi sa NOPSSCEA 12 under basketball games ang USLS basketball team laban sa Hua Ming basketball team sa Hua Ming Gymnasium noong Nobyembre 27, 2023. Nasungkit ng USLS ang ika-5 panalo sa iskor na 64-53 laban sa Hua Ming. Ang USLS ay kasalukuyang may 5 panalo kasama ang mga naunang laro laban sa LCC-B, TCAI, BECLC, at UNO-R. Nasa final 4 na ngayon ang USLS kasama ang Tay Tung, Hua Ming, at STI-WNU. Sa Linggo, lalabanan ng USLS ang Tay-Tung, na kung saan mag-uuwi ng pilak ang mananalo at mag-aagawan naman para sa bronze medal ang matatalo.

Sinulat ni: Kate Villaflor
Larawan: Credits sa mga magulang ng Under 12 Basketball team ng USLS-IS

Ngayon araw, ipinagdiriwang sa buong mundo ang " World Teacher’s  Day ". Buong pusong pinasasalamatan  namin ang lahat n...
05/10/2023

Ngayon araw, ipinagdiriwang sa buong mundo ang " World Teacher’s Day ". Buong pusong pinasasalamatan namin ang lahat ng g**o sa kanilang sipag at tiyaga sa pagtuturo sa mga mag-aaral. Sa mga sakripisyo na inyong ginawa mula sa paghahanda ng aralin, sa pagbibigay ng marka, sa pagwawasto ng mga papel mula hatinggabi, umaga at hapon upang maturuan kami paano maging matalino at mabuting tao.
Hindi rin namin makakalimutan ang kasiyahang inyong ibinahagi at higit sa lahat sa walang sawang pagmamahal bilang aming pangalawang ina sa paaralan. Ang lahat na ito ay hindi natin makakalimutan. Mahal namin kayong lahat!
Mabuhay ang mga g**o!

Sinulat ni: Mikhail Viktor Chua
Likha ni: Eunice Angela Salvador

“ Huli man daw at magaling, naihahabol din.”             Ang kasabihang ito ay nagbigay sa aking ng inspirasyon na ang b...
16/07/2023

“ Huli man daw at magaling, naihahabol din.”

Ang kasabihang ito ay nagbigay sa aking ng inspirasyon na ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang panahon upang magtagumpay sa buhay at hindi ibig sabihin na naunahan ka man ng iba ay wala ka nang pag-asang makabawi pa.

Dahil natapos na ang klase, kukunin ko ang pagkakataong ito para pasalamatan ang mga taong nasa likod ng tagumpay ng publikasyon Luntiang Tanglaw sa taong panuruan 2022-20223. Bilang punong patnugot nais kong pasalamatan ang sumusunod:

Unang-una sa lahat nagpapasalamat ako sa Mahal na Panginoon sa pagbigay niya sa akin ng talento at talino sa pagsulat. Sa mabuting kalusugan upang magampanan ko ang aking gawain. Ikalawa, sa aking mahal na magulang. Maraming salamat po sa pagsuporta at paniniwala sa aking kakayahan na maging bahagi ng publikasyong ito. Ikatlo, sa aking mga mahal na kaibigan na nanatili sa tabi ko at hindi nagbigay sa akin ng dahilan para sumuko sa mga oras ng paghihirap sa pagsulat. Ikaapat, sa mga kapwa kong manunulat na tumulong sa akin sa pagharap sa pagsubok sa ating publikasyon. Isang malaking pasasalamat sa pagsagot sa hamon bilang isang manunulat, lalo na sa wikang Filipino. Alam kong hindi ito madali nung una ngunit habang lumilipas ang panahon, nagiging mahusay at magaling na tayo sa pagsulat. Ikalima, sa aming mahal na moderator, nagpapasalamat ako sa pagtitiwala at paniniwala sa akin na karapat-dapat ako sa posisyong ito, hindi lang sa akin kundi sa aming lahat. Ang iyong gabay, mga payo, at suporta ay hindi kailanman nasayang. Pakatandaan namin ang lahat ng iyong itinuro sa puso’t isipan man.

Masasabi kong hindi madali ang pagiging manunulat, lalo na sa wikang Filipino. Bago ka magsulat ay kailangan mong mag-isip ng mga salita, mga salita na angkop para sa artikulong iyong gagawin. Kahit na dumaan ako sa mga pagsubok, hindi ako sumuko. Sa patnubay ng aking mahal na moderator at sa suporta ng aking mga kapwa manunulat, ang pagsusulat para sa akin ay hindi na mahirap ngayon.

Ang pagsali ko sa publikasyong ito ay hindi lamang nagturo sa akin tungkol sa pagsulat kundi maraming bagay ang aking natutuhan na magamit ko sa aking pag-aaral at sa aking buhay. Nagawa kong magkaroon ng magandang koneksyon sa mga kapwa ko manunulat at parang isang pamilya na kami.

Ang tagumpay ng publikasyon ay hindi naging posible kung wala ang mga taong nasa likod nito walang iba kundi ang mga mahal kong kapwa manunulat at ang aming mahal na moderator. At nagpapasalamat din ako sa lahat sa sumuporta sa amin.

Sabay-sabay nating kilalanin nating ang mga taong nasa likod ng malaking tagumpay ng Luntiang Tanglaw sa taong panuruan 2022-2023!

Para sa kaalaman ng lahat!
13/03/2023

Para sa kaalaman ng lahat!

Pre-register now for SY 2023-2024

08/12/2022
Nagwagi si Jonnyl Chryss B. Esmores ng 6A bilang kampyeon sa patimpalak na Filipino Declamation Contest Elementary Level...
08/12/2022

Nagwagi si Jonnyl Chryss B. Esmores ng 6A bilang kampyeon sa patimpalak na Filipino Declamation Contest Elementary Level ng NOPSCCEA 2022 Literary Contest at finalist naman si Lordes Isabelle B.Hilario ng 5C sa English Declamation Contest noong Lunes,Disyembre 5, 2022 na ginanap sa John B. Lacson Colleges Foundation Bacolod.
Nakapasok ang dalawang kalahok sa elimination round ng patimpalak sa Filipino at English Declamation kung saan si Jonnyl ay nakakuha pangalawang pwesto at unang pwesto naman ang nakuha ni Lordes noong Disyembre 1. May siyam na kalahok mula sa iba’t ibang paaralan ang naglaban-laban sa nasabing kompetisyon.
Ayon kay Jonnyl, para manalo ang Diyos lang daw ang sagot kaya kailangan dapat tayong magdasal palagi. Masayang-masaya siya dahil hindi niya inaasahang manalo siya. Dagdag pa niya,kahit ito man ay mahirap, kung gusto mong gawin dapat mag pursigido at magtiyaga dahil “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”
Sina Ginang Mary Jossie Tingson at Ginang Michelle Aspiro ang tagapagsanay ni Esmores sa Filipino Declamation at sa English Declamation naman ay sina Binibining Rexel Arellano at Binibining Kynah Fuentes.Ipinagmamalaki ng lahat ang kanilang tagumpay at panalo.Animo La Salle!
Sinulat ni: Jerrine Tangga-an
Larawan mula kay Ginang Psalm Esmores

Address

La Salle Avenue
Bacolod
6100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Luntiang Tanglaw 2.0 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share