17/09/2025
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก | "๐ ๐๐๐-๐๐จ๐ฆ๐๐ก๐ ๐ง๐ ๐ก๐๐ ๐จ ๐ฃ๐จ, ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐๐๐ก๐ ๐๐ก๐ง๐-๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฃ๐ง๐๐ข๐ก"
Isang noise barrage, na pinangunahan ng mga tricycle drayber, ang isinagawa ngayong araw, Setyembre 17, sa tapat ng Bacolor Public Market, malapit sa Pampanga State UniversityโDon Honorio Campus, kung saan hinikayat ang mga motorista at pasahero na bumusina at lumikha ng iba pang ingay bilang simbolo ng panawagan at mariing pagtutol laban sa korapsyon.
Ayon kay Edgar Mallari, 61, pangulo ng Bacolor TODA, layunin ng kanilang pagkilos na maipaabot sa mga nasa kapangyarihan ang tinig at hinaing ng mga ordinaryong mamamayan.
โNag-noise barrage kami regarding doon sa corruption. Nationwide โyon e, para sa mga nangungurakot, para makarating sa kanila na tutol tayo roon sa ginagawa nila,โ ani Mallari.
Binigyang-diin din ni Mallari na para sa kanila, mahalaga na maiparating ang kanilang paninindigan at matibay na pagtutol sa mga anomalya at pangungurakot sa pamahalaan.
Katuwang ni Mallari sa panawagan ang kanyang mga kasamahang tricycle drayber na lumahok sa kilos-protesta na nagsimula bandang alas-sais ng gabi at nakatakdang magtapos ng alas-siete, subalit naputol nang dumating at pinatigil sila ng mga pulis ng Bacolor.
Samantala, nilinaw ni PLT Rodriquez ng Bacolor Police na nakatanggap sila ng tawag kaugnay ng naturang aktibidad at agad silang rumesponde upang tiyakin na hindi ito nagdudulot ng abala, partikular na sa trapiko, at iginiit na may tamang lugar para idaan ang mga panawagan.
โI-proper lang natin ang venue, i-proper lahat. Kung gusto natin makipag-participate, huwag tayo mag-cause ng obstruction sa daan kasi nagko-cause ng traffic. Idadaan lang natin sa tamang proseso ang lahat, walang magiging problema,โ paliwanag ni Rodriquez, matapos makausap sina Mallari at ang mga drayber.
Dagdag pa ng kapulisan, nananatili silang handa at nakahandang magbigay ng libreng sakay para sa mga pasaherong posibleng ma-stranded kaugnay ng inaasahang mas malaking pagtitipon bukas.
Ang isinagawang noise barrage ay bahagi ng mas malawak na panawagan ng multi-sectoral group na Concerned Citizens of Pampanga (CCP) bilang hudyat ng Peopleโs Rally bukas, Setyembre 18, sa Lungsod ng San Fernandoโbilang pakikiisa sa sigaw ng mamamayan para sa transparency, katarungan, at pananagutan kaugnay ng maanomalyang korapsyon ukol sa mga flood control projects sa bansa.
Ulat ni Kylie Mae Abegonia
Kuhang Larawan at Bidyo ni Elisha Mae Laquindanum