
03/08/2025
🎬 MOVIE REFLECTION: UNTAMED (2025, Netflix Series)
After watching Untamed, I didn’t just see a crime thriller—I saw a reflection of the very struggles we live through as Filipinos, as public servants, as fathers, and as broken people trying to do what’s right.
The series centers on a death in Yosemite National Park—but as the story unfolds, mas lumalim ang tinatalakay: hidden truths, abuse of power, grief, and the quiet kind of healing we rarely talk about.
Bilang isang ama, yung issue ng “pambabae ng mga tatay” at pagkukulang ng ama sa anak—para sa akin isang sugat na tahimik pero malalim sa maraming pamilyang Pilipino.
Bilang lingkod-bayan, nakita ko ang banggaan ng batas, konsensya at relationships. Kapag nasa serbisyo ka, may mga pagkakataon na ang tama sa papel ay hindi laging tama sa puso.
Bilang Pilipino, medyo sayang kasi sa Amerika, may serye tungkol sa wildlife and park rangers, pero dito sa atin, bihira ang nagpapahalaga sa Forestry, Environmental Science, o Wildlife Protection. Wala sa school career talks, wala sa media, at kulang sa suporta.
Untamed is a reminder that our systems—whether family or government—often hide its pain under the structure. But healing starts when we face the truth, however inconvenient it may be.
Ang tunay na lider, hindi lang marunong sumunod sa patakaran—marunong ding makinig sa pinag dadaanan ng mga tao nito.
Ang tunay na ama, hindi lang tagapagtustos—kundi tagapagligtas o tagapag protekta ng damdamin ng kanyang anak.
Personal Rating: 9.3/10.