30/06/2026
Hindi lahat ng luha ay tanda ng pagkatalo.
May mga luha na bunga ng matagal na pagtakbo, hanggang sa dumating ang araw na sa wakas, tumigil ka sa presensya ng Diyos.
Yung taong laging matatag para sa pamilya, bigla na lang hindi kayang itago ang bigat.
Yung tatay na tahimik lang habang binubuhat ang responsibilidad, sa wakas, may lugar kung saan pwede siyang umiyak.
Yung nanay na laging inuuna ang lahat, natuklasan niyang may Ama rin pala na inuuna ang puso niya.
Hindi ka mahina dahil umiiyak ka.
Mas matapang ang taong handang ilapag sa Diyos ang sakit na matagal na niyang kinikimkim.
Hindi laging bagong trabaho ang kailangan. Hindi rin laging mas malaking sweldo ang sagot.
Minsan, ang kailangan lang ay lumuhod, huminga, at hayaan ang Diyos ang magbuhat ng hindi mo na kayang buhatin.
Kung pagod ka bilang parent, kung pakiramdam mo ikaw lang ang lumalaban, kung tahimik kang umiiyak kapag tulog na ang mga anak mo..
Alalahanin mo ito,
Hindi ka nag-iisa.
May Diyos na nakikita ang bawat luha mo bago pa ito tumulo. May pagmamahal Siyang hindi nauubos, kahit ubos na ubos ka na.
Kailangan mo lang maalala na may Diyos na hindi kailanman bumibitaw. β€οΈ