
22/07/2025
Mag-ingat, ka-DriveUpward! ☔🚘🏍️
Dahil sa walang tigil na pag-ulan at pananalasa ng bagyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa, paalala namin sa lahat ng aming followers at Renters :
🔸 Maging alerto at updated sa lagay ng panahon
🔸 Ihanda ang emergency kit sa bahay at sasakyan
🔸 Alamin at i-save ang mga emergency hotlines sa inyong lugar
🔸 Iwasan ang pagbyahe kung hindi kinakailangan, lalo na sa binabahang lugar
🔸 Kung ikaw ay nasa biyahe, magmaneho nang maingat at tiyaking maayos ang kondisyon ng sasakyan o motor
Ang kaligtasan mo ay importante sa amin. 🙏
Magplano ng maayos, maging maalam, at Drive Upward, responsibly.
📲 Narito ang ilan sa mga national emergency hotlines na dapat tandaan:
📞 911 – Nationwide Emergency Hotline
📞 117 – PNP Emergency Assistance
📞 143 – Philippine Red Cross
📞 8888 – Government Hotline