22/06/2026
'No Makeup, No Pa-Sexy, Pero Viral'‼️
Usap-usapan ngayon sa social media ang content creator na si Lans, na binabansagang isa sa mga pinakasumikat na female personalities sa internet dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagkuha ng atensyon ng netizens.
Sa halip na umasa sa mga pa-cute dance trends, revealing content, o thirst traps, nakilala si Lans sa kanyang mga informative, engaging, at straight-to-the-point fact-sharing videos na patok na patok sa online community.
Hindi lamang mga kababaihan ang humahanga sa kanya, kundi maging maraming kalalakihan na aminadong inaabangan ang bawat upload niya. Ayon sa ilan, "May natututunan ka na, naaaliw ka pa!" habang ang iba naman ay humahanga sa kanyang natural, no-makeup look at unfiltered personality.
Sa katunayan, sapat na raw makita ang kanyang larawan para agad sumagi sa isip ng marami ang kanyang iconic na intro:
🎙️ "This is Laaaans..."
At dahil dito, tila isa na siyang internet sensation na minahal ng netizens hindi dahil sa itsura o pagpapapansin, kundi dahil sa kanyang talino, authenticity, at kakaibang charm. 🥰✨