04/11/2025
Reminder to all shopee checkout buyers:
Good day to all our provincial customers! Mga sissy ako na po ang humihingi ng pasensya sa delay ni Shopee. May mga areas kasi na ambilis ng delivery nila meron din naman inaabot ng days or weeks. Depende po yan sa area niyo at saan province kayo mga sis. Halimbawa mindanao area po kayo wag naman tayo mag expect na bukas na sainyo na po ang parcel. Shiniship po namin on time lahat ng parcels niyo ng sa ganun dumating kaagad. Pero pinapaalalahan ko lang po kayo na hindi na po namin hawak ang shipping method ng courier niyo sa shopee once na ship na po namin. Shopee checkout po ang kaya lang namin ioffer na murang shipping na kaya niyo mag antay or victory liner na mas mabilis para sa provincial na gustong makamura ng shipping. Once again mga sissy bulk item din po ang shiniship namin compared sa naoorder natin na small items kay Shopee kaya mas may proseso ito pagdating sakanila. Kaya po tayo may tracking sa shopee na pwede niyo icheck lagi para alam niyo po kung nasaan na ang parcels. Kahit po kasi magtanong kami sa hub malapit samin itatrack lang din po nila at yun lang din po ang isasagot nila samin kung nasan na. Again mga sissy ang pag mimine po sa amin ng mga taga provincials ay pinapahalagaan po namin at nagpapasalamat po kami sa tiwala at suporta niyo. Pero inuulit ko po wala po tayong sapilitan mag mine dahil mahirap nga po ang courier at ginagawan lang din po namin ng paraan ng sa ganun maka avail po kayo at makamura kayo ng shipping. Pero kung isisisi niyo po samin ang nangyayari sa shipping ni Shopee at hindi niyo po kaya mag antay wag nalang po kayo umorder kasi ginagawa naman po namin lahat para mapabilis ang transactions natin. Salamat po ❤️
Ps: naiintindihan po namin kayo mga sissy tumatanggap po kami ng concerns as long as kaya naman po namin konting pag unawa lang din po at pasensya ang hinihingi namin ng sa ganun maging smooth po lahat ng transactions natin ☺️