03/10/2025
Eto matinde
Tikim muna kung masarap.
Babala: Nakakabahala ang sitwasyon ni Ate. Maging disente sa pag-komento.
Hi guys, Gia here, 26F. May jowa ako 26M din, si Jojo. 3 years na kami and plano na naming magpakasal next year. Pero sabi nga ng matatanda, ang kasal daw ay hindi parang mainit na kanin na bigla mong isusubo at kapag napaso eh iluluwa mo nalang. Iba daw kasi ang ugali ng jowa pag kasama mo na sa isang bubong. Kaya naisip ko na makipag-live muna in sa kanya for 1 month, kumbaga test drive muna. So ayun… andito na ako ngayon, confused kung worth it pa ba ‘tong pagsasama namin. Marami talaga akong napansin sa kanya. Una tamad sa mga simpleng gawaing bahay. Like hello, di ko naman siya ina-ask na mag-general cleaning, simpleng utos lang pero parang laging may sakit yung katawan. Pangalawa, may ugali siya na palagi niya sinasabing mamaya na. Imagine, 2 weeks kaming walang drinking water kasi ayaw niya bumili, mainit daw. Ako naman di kaya magbuhat ng galon mag-isa. Pangatlo, hindi siya masyadong seryoso sa work niya. Konting pagod lang, absent agad. Kahit galing lang sa gala with friends. As in absenero. Samantalang ako, kahit may lagnat, tuloy sa work kasi Hello?! Bills? Pang-apat, mahilig maglaro online si kuya. As in kinuha pa yung 1k ko na budget namin for food for the week. Like… priorities??? Pang-lima, nung kinausap ko siya ng masinsinan, wala daw talaga siyang goals. Broken family daw siya kaya tanggap na niya na hanggang dun nalang kung ano ang kaya lang niya. Good side naman, mabait siya, and kapag may pera, sobrang generous. Like bigay kung bigay. Saka siyempe magaling siya sa lam mo na, at mahal ko rin naman. Mema ba ako or reason na ‘to para umatras bago pa maikasal?
-Gia
If kayo nasa posisyon ni Gia, iiwan niyo ba o titiisin niyo? Anung maipapayo nyo sa kanya?
-Judith