La Cas Squad

La Cas Squad Welcome to our page where we share all things family, travel, lifestyle! Join us as we explore and create lasting memories together.

Follow along for tips on how to make the most of every moment with your loved ones. Let's embark on this journey together!

Buti pa si Baby, ang yaman agad.. Sana All..
27/06/2025

Buti pa si Baby, ang yaman agad..
Sana All..

⭕MP2 for Kids⭕So ito na nga.. Mula bata yung mga anak ko, nakatabi lang yung pera sa BDO Kiddie Savers.. (may kanya kany...
18/01/2024

⭕MP2 for Kids⭕

So ito na nga..
Mula bata yung mga anak ko, nakatabi lang yung pera sa BDO Kiddie Savers.. (may kanya kanya silang account)
Pero yung panganay ko 15 years old na so hindi na siya Kiddie Savers..

Naisip ko nakatengga lang pera sa BDO, wala naman interest so dahil tatlo na nga account ko sa MP2, at tuwang tuwa ako sa laki ng interest ng MP2, naisip ko try ko gawan ng MP2 itong panganay ko!

Aba pwede nga pla..
Minimum age pala is 15 years old..
Pwede na sila maiopen ng sariling Pagibig Account.. So ayun after opening his Pagibig Account at maverified. Nag-open na ako ng Virtual Account niya then saka lang nakagawa ng MP2 Account!
Lahat online lang.

At least kikita ang savings niya kesa pinakikinabangan ng BDO na wala naman tayo napapala, pag minalas nga nahahack pa..

So ayun waiting na lang po ako sa dividends 🥰

Pag may question po kayo, comment lang, Sasagutin ko hanggat kaya ko.

EVIL EYE! Ang bigat pure glass siya.. legit at imported galing Turkey! (From Expo exhibit) Gusto ko sana bilhin kasi eff...
17/12/2023

EVIL EYE!
Ang bigat pure glass siya.. legit at imported galing Turkey! (From Expo exhibit) Gusto ko sana bilhin kasi effective daw tong pangontra sa mga inggitera!

Pero syempre hindi ako naniniwala dito, prayers pa din at si God ang mabisang pangontra sa mga inggitera at mapanirang tao..
My Prayers for you po! 🫰😁

Wow! Thank you Metz.. Akala ko mahirap magkaroon ng ganto pero nagulat ako at na-invite mo ko mag-set up.. Thank you so ...
25/11/2023

Wow! Thank you Metz..
Akala ko mahirap magkaroon ng ganto pero nagulat ako at na-invite mo ko mag-set up..
Thank you so much!
Now you can subscribe to me for more perks and priviliges..
Sisipagin na'ko mag-upload pag ganyan!

I have reached 13K followers! Thank you for your continued support. I could not have done it without each of you. 🙏🤗🎉
03/10/2023

I have reached 13K followers! Thank you for your continued support. I could not have done it without each of you. 🙏🤗🎉

College Days..  pangarap ko noon at malinaw sa isip ko hanggang ngayon..Ikakasal ako sa Mary Immaculate Parish Nature's ...
01/07/2023

College Days.. pangarap ko noon at malinaw sa isip ko hanggang ngayon..Ikakasal ako sa Mary Immaculate Parish Nature's Church
(kasi Birthday ko December 8)
tapos naka-Wedding Gown ako na naka-Rubber Shoes..
Ang bridal march ko "IKAW" at ang kakanta si Regine Velasquez..

Ngayon natupad na ang Dream Wedding ko.. Mas higit pa sa pangarap ko noon ang nangyari..
God has given me the best..
(Malakas talaga ako kay Lord)!

Unang una ko ifeflex yung banda na na-hire ko for my wedding. Highly recommended! Inupuan lang ni Ate yung pagkanta sa Ceremony, akala ko tuloy downloaded yung song sa sobrang galing..
Live nga din pala yung pag-violin nila ng pagpasok ng mga entourage tapos si Kuya Vocalist super galing din..
Lahat sila magaling.. sayang di ako nakapagvideo at nakapagpapicture sa inyo..
Lahat ng bisita ko na-amaze..
Gusto na din po kayo iuwi ng husband ko sa sobrang galing nyo.

Super bait din kausap ni Ms. Dei Panelo - Paulme from the start. Kahit online transaction lang kami. Nasearch ko lang sila sa FB..
Ang dami kong napag-inquirean pramis, pero yung boses ni Ate vocalist yung pumasa sa pandinig ko.. napakalinis.. walang birit, napaka-smooth.. Lahat ng list ng request kong kanta, ang ganda ng pagkakahagod ng pagkakaversion nila.. Gusto ko na nga maki-jamming sana 🤣

Si Kuya Vocalist gusto ko na lapitan para batiin sa galing kaso ako nga pala yung bride kaya nasa harapan lang din ako, di ako makaalis sa pwesto.. 🤣

Sa lahat po ng musicians niyo, drummer, violinist, guitarists, keyboardist, SALUTE po sa buong team niyo.. Over-all super galing po ng team niyo. Kayo po yung pinaka-the best supplier na nakuha ko for my wedding..

Sa mga need po ng band, di po kayo magsisisi, super sulit and highly recommended ang Acoustinary - Wedding Musicians

Thank you po ulet sa inyo Mam Dei.!

See you soon po! 🫰🫰

Address

Bacoor
4102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when La Cas Squad posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share